Typewriter...
When will I lose words, intentions or either something to tell?
Nababasa niya ba talaga?
Nababasa mo ba agad?
Dear, Dashiell
Alam mo ba love? hindi ko na rin alam kung bakit hindi ako nauubusan ng salita kahit pitong taon na akong mag isa na nag sesend sa iyo. Pitong taon na rin ang nakaraan nang makita o mapanood ko ang nangyari sa babaeng nag hintay at hindi na muling binalikan pa, ngayon ko lang na realize na parang ganun na rin ang mangyayari saakin. Sasagot ka pa ba? Kamusta ka na dyan sa USA?
Babalik ka paba?
---------------
Humugot ako ng lakas ng loob upang sabihin ang lahat, until I found myself one day that I'm slowly losing and losing hope to wait. Seven and a half years isn't fun at all...
I'm losing and losing messages to send.
Na para bang hindi na kagaya ng dati, na halos buong buhay ko na ata ikwento ko kahit sa isang buong araw lang naman dapat, but now I was just in shock to see myself only left asking questions and there's nothing to say, na parang sa sakit na nararamdaman ko ay tanging gusto ko na lang ay tanungin siya kung deserve ko nga ba talaga ito.
Na bakit hanggang ngayon wala pa rin siya, bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin siya kasama? Nakakapagduda na ang tadhana sa totoo lang pero dahil umaasa pa rin ako ay andito ako sa kung ano ang sitwasyon ko since seven years ago-sumusulat, at umaasa pa rin, umaasang babalik siya-umaasang babalik ka Dash.
Dear, Dashiell
Alam mo ba? Nami...
Deleting...
Muli akong ngumiti bago muling nag tipa ng sasabihin, nagbabakasakali na marami pa akong masasabi at maku-kuwento ngunit satingin ko ay nagkakamali nga talaga ako dahil sa pagkakataong ito ay wala na talaga, naiwan na lang sa akin ay ang mga tanong na paulit-ulit ko nang minemensahe sa kanya.
Na para bang sa pitong taon wala pa rin siya, may sagot pa ba o ang pagkawala na niya ang sagot ngunit ang iniisip ko ay hindi totoo, na baka iniiwasan ko ang katotohanan.
Na baka babalik pa nga siya at kailangan ko pa ng ilang taon bago siya muling makita.
Hindi ka na ba uu-?
Deleting...
Muli akong suminghap bago punasan ang mga luha ko habang humihikbi, hindi ko maintindihan kung bakit wala na akong masabi-wala ng natitirang saya sa pagpapadala ko ng mensahe sa kanya kahit na alam ko namang wala na talaga, napagod na at pakiramdam ko'y susuko na.
Wala na akong masabi! Ayoko na!!
Deleting...
Wala akong magawa kundi isarado ang laptop ko at saka humiga sa kama ko. What will I do? Nasasaktan ako at nahihirapan ng dahil sa kanya. Dahil ba rito?
Dahil ba rito ay hindi na ako nagkakaroon ng masayang buhay dahil sa paghihintay sa kanya?
Na baka sadyang tama sila, para akong umaasa sa multo na parang inuutusan siyang bumalik sa katawan niya at hanapin ako. Na baka sadyang tanga lang ako sa mga pinaniniwalaan ko.
Totoo ba talaga ang pitong taon ay isang sayang sa buhay ko? Is that even possible?
People were just not capable to understand the pain I receive whenever I remember him, gaya ng ibang tao ay satingin nila ay kabaliwan lang na hintayin siya, maniwala na buhay siya at umaasang babalik siya. Hindi ako naniniwala na ginagawa ko ito just to be someone who wants to make a reason.
Mahal ko nga siya? Hanggang kailan?
Kaya ko nga ba siyang mahalin sa buong buhay ko?
Kaya ko pa ba pagkatapos ng pitong taon? Kakayanin ko ba o hihinto na lang dahil sa pitong taon wala naman talaga akong kasiguraduhan na babalik siya, wala ring kasiguraduhan kung ako pa ba. Paano na lang kung masaya siya at muling kaming mag kita...
Mas masakit bang makitang ikaw nalang ang na iiwan?
Dear, Dashiell:
I could stop loving you because it has already been seven years, I am done and I couldn't keep longer, see you around! Bye, Love.
Love, Xianna Estillar.
I hope I can really stop Dash, please make me. Please let me...
YOU ARE READING
Bring It Back In September (UNDER-EDITING)
Romance{C O M P L E T E D} We all thought that the guy is the only one who can wait several years for the woman he love, but what if the woman is more than willing to the man who can wait for the man she loved? Is it really possible for a person to wait ov...