Chapter Forty-Two

738 12 0
                                    

'Chapter Forty-Two: Brainwashed'

"Ako nga ang nakakausap mo pero hindi ako ang taong minahal mo. Nuong thirteen tayo hindi kita gusto-hindi kita mahal. Inagaw lang kita Xia dahil hindi ka naman talaga puwedeng maging akin." Sabi ni Dash habang ako ay humihikbing nakatingin sakanya at agad na kinakagat ang kuko ko.

"P-Paano... Sino ba kayo?" Nakita ko ang tingin saakin ni Dash.

Pagkatapos niyang sabihin ang lahat ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, puro sakit at gulo ang nasa isip ko. Naramdaman ko ang pag tapik saakin ng daddy nila kaya hindi ako makasalita dahil sobrang sakit.

"Linawin mo saakin Dash, ibig bang sabihin... si Apple at Cassandra..." 

"Don't hate them, gusto ka nilang maging masaya three years ago kaya nang ma contact nila ako ay pilit nila akong pinapauwi rito sa Pilipinas, back then Rebecca was my girlfriend and I don't care about you kaya hindi ako nakinig." Sabi nya kaya mas lalong sumakit ang dibdib ko sa nadinig.

"Kaya nuong umuwi si Ash sa Pilipinas ipinaliwanag ko kay Apple kung sino si Ash at sino ako sa buhay mo and then they strive harder for you to meet him, pero Ash denied that he love you. Sinabi niya na hindi ka niya kilala." 

Tumulo ang luha ko and there's something na three years ago, they met that someone I love but I didn't get any chance to meet him, nuong mga panahong baliw na baliw ako sa pag iisip kung uuwi ba siya ay may alam sila Apple? Fuck that! Mga sinungaling.

"Nag usap kami ni Ash, nalinaw kong hindi kita mahal pero sadyang mapilit siya. Hindi ka niya mahal at ayaw niyang umuwi ng Pilipinas, kaya iyong secretary niya sa Thailand ayon ang lumalandi sakanya dahil pinapayagan naman niyang talaga." Napatakip ako ng mukha at nakagat ang labi ko at humarap sakanya, hindi naman ako talaga nagkamali duon, halata naman na sakanya.

"Tito... Totoo po ba? Naguguluhan po talaga kasi ako, hindi ko alam gagawin ko." Napakapit pa ako sa buhok ko bago napasinghap, tumingin si Tito kay Dash at tumango naman si Dash sakanya.

"Iyong pag uusap nilang magkapatid ay hindi ko alam, pero ang mga narinig mo? Si Ash ang boyfriend mo ija, hindi si Dash." Sabi nito kaya lumuha agad ako at inasikaso ang sarili ko at tumangong tinitigan si Dash, nakita ko ang pag lapit niyang hinawakan ang kamay ko.

"I just love you now. Don't mind him and come with me." Sabi niya, nanatiling tumutulo ang luha ko kaya agad ko siyang natulak.

"Madali sa iyong sabihin 'yan dahil isa ka ring sinungaling! Hindi naman kita minahal pala! Ash is something I don't know and  you're the person that I knew for a long time pero hindi naman pala ako minahal." 

Agad akong lumabas at saka nag simulang umiyak habang naglalakad palabas, I am going to ask each and other people who knew everything about me, about him at lahat sila! Lahat!

---------------

"Alisha! Rizza..." Humina ang boses ko, parehas silang lumabas at tumingin saakin.

"May alam ba kayo-"

"Sorry, pero aalis kasi kami, sa susunod na lang. Sorry." Sabi ni Alisha kaya agad akong napatingin sakanilang after i-lock ang pinto ay nilagpasan lamang ako.

Hindi manlang sila lumingon pabalik at nag tatawanan pang iniwan ako, nakita ko kung gaano sila ka close sa isa't isa, tumawa nalang ako at pinunasan ang mga luha ko. Nang makalakad ako at para na akong nanghihina ay nakasalubong ko ang motor ni Apple kaya napalinga ako kung asaan siya.

Naramdaman ko na may mahigpit na yumakap saakin mula likod kaya nabigla ako at natigilan.

"Anong ginagawa mo rito?" Masayang bati ni Apple saakin, agad niyang pinunasan ang luha ko at tumingin siya saakin bago ako yakapin, umiyak lang ako habang yakap niya ako.

Bring It Back In September (UNDER-EDITING)Where stories live. Discover now