Chapter Twenty-Three

693 12 0
                                    

'Chapter Twenty-Three: Comfortable.' 

Naiwan kaming dalawa na nakatameme sa nangyari, that wasn't a good choice and even with that we both cannot explain why we're tired kahit kwentuhan lang naman ang nangyari saamin dito. Ash and I didn't talk after what just happened.

"Paano una na kami ha?" Sabi ni Alisha saamin ni Ash, ngumiti naman ako at tumango. Apple walked near me and held my hand.

"Pag pasensyahan mo na si Ri-"

"Anong number mo Dash? Para sabihan mo ako kung kailan tayo mag a-arcade." Narinig namin ang aniya ni Riza kay Dash, nilabas naman ni Dash ang kaniyang cellphone bago buksan at iabot ang cellphone niya.

When Riza is done in getting his number ay agad na napatingin siya saamin.

"Should we ask for his number too?" Sabi ni Cassandra na may halong iritable sa boses habang sinasamaan ng tingin si Riza, she once pouted again and sighed.

"Masiyado naman kasi kayong ma issue e' friendly chats lang naman kami!" Agad na pag tanggi ni Riza saamin at tumingin pa saakin.

"Kung mapagkakatiwalaan ko naman kayo sige lang." Sabi ko at agad na pinipigilang maluha sa nakita ko, Ash held my waist bago ako bulungan.

"'Wag ka umiyak dito, mag uusap tayo mamaya." Sabi nya bago umayos muli ng tayo, I nodded at pinilit ngumiti.

"Ingat kayo sa pag uwi!" Bati ko.

Naramdaman ko ang pag usisa saakin ni Ash habang hinahawakan ang braso ko, nanghihina talaga ako sa nangyari kanina ni hindi ko inexpect na magagawa ni Riza iyon o susubukan manlang niya ako agawan ng spot sa boyfriend ko.

"Gusto mo bukas na tayo mag linis, kailangan mong iiyak 'yan." Sabi nya saakin, umiling ako at pinunasan ang luha ko.

"No malapit na ito." Sabi ko bago muling nag walis, naramdaman ko ang pag hawak niya sa pulsuhan ko bago ako hilain at yakapin.

His hands were patting my head habang yakap niya ako, duon na bumuhos ang luha ko sa sobrang sakit.

"Naturingan kong kaibigan ganon ang ginagawa saakin." Bulong ko, naramdaman ko ang pag dampi ng labi nya sa ulo ko habang hawak ang leeg ko.

"It hurts?" Bulong niya bago ipatong ang ulo niya sa balikat ko at yakapin pa ako ng mahigpit. He put my hands on his neck as he grabbed my waist to tighten the hug.

"Bakit ba ganon kuya mo? Akala ko ba heart surgery lang bakit parang brain surgery?" Pagbibiro ko, hinaplos ni Ash ang beywang ko bago tumawa.

"Hindi ka halatang broken." Pagbibiro niya din.

"Siyempre pag nakikitira ka dapat masaya ka. Tamo tignan mo." Sabi ko bago bumitiw sa pagkakayakap niya at ituro ang mukha niya, he raised his eye brow.

"What about my face?"

"Malungkot ka." Sabi ko, natawa siya bago ako uli hawakan sa beywang at ilapit sakanya.

"Hindi ako malungkot, I found her." Sabi nya at binulong iyon saakin, agad akong pumiglas at napatalon.

"You mean... The painted girl in that gallery?" Sigaw ko, Ash nodded ans smiled at me, hinila nanaman niya ako para yakapin na parang ayaw niyang hindi kami magkayakap na dalawa.

"So ibig sabihin ba nito..." Natigilan ako habang nagsasalitang kayakap siya, the one reality hits me na masakit pala sa part ko ngayon.

"I will remove the ring, because I found her."

Kumirot at ang puso ko sa nadinig, mas masakit papala iyon keysa makita at masilayan kong si Dash at Riza ay naglalandian sa harapan ko, I cannot do anything without Ash.

Bring It Back In September (UNDER-EDITING)Where stories live. Discover now