'Chapter Forty-Six: Alright.'
"Xianna, anak!" Dali-daling tumakbo si mommy at agad na pinagbuksan ng pinto, tumulo ang luha ko habang nag mamadaling buksan ang pinto, I couldn't explain the pain I caused to them.
"Ayos ka lang? Ikaw'ng bata ka gabing gabi na dumaraan ka pa rito, kamusta si Ash?" Sabi ni mommy, nanghihina akong ngumiti ng mapait at nakagat ang ilalim kong bahagi ng bibig.
"Wala ho bang kamusta ako? Okay lang po ba ako?" Tumulo ang luha ko, agad siyang natigilan at hinaplos ang ulo ko at niyakap ako, nanginginig ako at nabitiwan ko ang mga bag ko at humikbing yakap si mommy.
"Anak, ano bang nangyayari? Bakit ka umiiyak? Bakit ang pinaka matapang naming anak ay umiiyak?" Sabi ni mommy, mas lalo akong humagulgol at inasikaso ang sarili ko at nakagat ang labi.
"Hindi ho ako matapang, takot ho ako. Sobrang takot ako sa nararamdaman ko." Sagot ko, tinitigan niya ako at hinawakan ang dalawang pisngi ko bago senyasan ang mga trabahador na kunin ang mga gamit ko, dali-dali akong hinila ni mommy kaya sumunod ako kahit nanghihina na ako.
Pag pasok namin ng loob ay sumalubong saakin sila Apple na nakaupo sa gilid at kausap si daddy, nabigla sila at napatayo nang makita ako. I saw Cassandra crying kaya mas lalo akong naguluhan.
"Anong ginagawa nyo rito?! Lumayas kayo mga traydor!" Sigaw ko sa kanila, lahat sila ay humagulgol at napahilamukos ng mukha.
"Hindi mo naiintindihan ang lahat Xianna, please pag explainin mo naman ang mga ito!" Sabi ni daddy kaya sarkastiko akong natawa at kinuha ang vase at ibinato 'yon.
"Para ano pa dad! Lolokohin lang naman nila ako 'ulit!'" Sigaw ko, agad tumakbo si Alisha at niyakap ako, hindi ko mapigilang mapahagulgol habang tinititigan silang umiiyak din katulad ko.
"Hindi ka namin niloloko, lahat kami rito ay gusto ka sumaya pero hindi ka nakikinig." Sigaw ni Cassandra pero umiling ako.
"Hindi ako masaya sa natuklasan ko! Hindi ako masaya kasi akala ko totoo lahat ng 'yon! Hindi ako okay sana na gegets nyo parang awa na!" Sigaw ko pa at tinitigan ang bawat isa sakanila.
Nakita ko ang pag bukas ng cellphone ni daddy bago lumapit saakin at hawakan ang kamay ko at inilapag ang cellphone niya.
Engineer Ash Mina
Tito, kung makauwi man si Xianna diyan pabalitaan na lang ho ako.
Maniwala ho kayong mahal ko ang anak nyo.
Binasa ko ang mga mensahe nya ngunit hindi ako naniniwala at ibinalik ang cellphone niya sa kanya.
"Wala naman talagang may alam sa inyo ng nararamdaman ko! Wala kayong ibang ginawa kundi paasahin din ako. Nagmamakaawa na po ako-tama na. Tama na..." Ang boses ko ay parang pagod na pagod at napapahilamukos nalamang ng mukha.
"Alam namin Xia, the art gallery was planned of your friends. They forced me to include you coming in there because they want you to meet Ash." Sabi ni daddy kaya agad akong napabuntong hiningang lumuha ulit.
"Pati ba naman ikaw dad?! Sinakyan mo ang plano nila? Edi ang mangyayari kung hindi ko alam ay patuloy lang akong hawak sa tadhanang gusto niyong mangyari para saakin!" I shouted and everyone gasp, hindi ako makapag labas ng kahit anong luha.
Ngayon ay hindi na sakit ang nararamdaman ko, galit at panlolokong nagawa nila ang naging rason.
"Xianna let us explain please! This time huwag mong sayangin si Ash! Xianna, Ash might leave if you don't hear the truth from us. Dash brainwashed you!" Seryosong aniya ni Apple pero hindi ako naniwala sa kanya.
YOU ARE READING
Bring It Back In September (UNDER-EDITING)
Romance{C O M P L E T E D} We all thought that the guy is the only one who can wait several years for the woman he love, but what if the woman is more than willing to the man who can wait for the man she loved? Is it really possible for a person to wait ov...