'Chapter Thirty-Three: Choose.'
"Rizza there's no forgiveness." Sabi ko, she looked at me with tears in the eyes, nag iskandalo na ako noon sa mall at ngayon naman iskandalong ako nanaman ang mag mumukhang masama.
"Bakit kung maka galit ka na para bang mahal mo si Dash!? Paano kung malaman niyang hinalikan ka ni Ash bago umalis siya para mag usap tayong dalawa! Nababaliw ka na ba? Gusto mo bang sabihin ko sakanya?!" Sigaw niya sakin kaya agad akong nag kibit balikat.
"Sabihin mo, ipahatid mo narin at isama sa sasabihin mo na hiwalay na kaming dalawa."
"What?! Dahil lang nag laro kami ng Arcade e' nakikipag hiwalay ka na?!" Sigaw niya saakin, natatawa ako at saka siya tinitigan ng masama.
"Rizza 'wag na tayong mag plastikan dito, gusto mo naman edi kuhanin mo, sakmalin mo. Mukbangin mo wala na akong pakielam." Walang reaksyong aniya ko, hindi siya makapaniwala sa nasabi ko at saka umupo ng maayos.
"So anong namamagitan sainyo ni Ash?" Tanong niya pa, natikom ako ng ilang sandali bago mag salita muli sakanya.
"Future boyfriend... ata?" Sabi ko at saka nakangiting tumawa sakanya. "Boyfriend na pala." Sabi ko, nakita ko siyang hindi nanaman maka imik sa sinabi ko.
"What!? It's been only one month then naka move on ka na? Siguro nag pagalaw ka kaya mo nagustuhan!" Sigaw niya na napatingin saamin ang mga tao wala na akong nagawa kundi sampalin siya at saka sigawan.
"Wala kang alam sa nararamdaman ko! Kahit kailan walang kaibigan na aahas sa ka relasyon ng best friend nya at kung meron man? Ikaw lang 'yon!" Umalis ako sa harapan nya, nag patuloy-tuloy lang akong nag lalakad nang makita si Ash na nasa may Kid's toy at may hawak na baby sa kanyang braso.
Nanguno't ang noo ko at saka nag lakad papalapit sakanya, kausap niya rin ang babae na inaayusan din ang lampin ng sanggol. They were laughing kaya nahinto nalang ako, bakit buhat ni Ash sanggol ng ibang nanay o pamilya?
Tumikhim ako at nang matapos at ibalik niya na ang bata ay nabigla siya ng makita ako sa labas ng Kid's toy.
"Kanina ka pa nandyan?" Tanong niya bago hawakan ang braso ko, kinagat ko ang labi ko at tintigan siya.
"Anak mo?" Tanong ko.
Tumingin siya sa sanggol bago bumaling saakin at ngumiting hinaplos ang balikat ko.
"Hindi ah, wala akong ibang ginalaw." Sabi nya kaya agad akong nag taka, he said 'wala'? for real?
"First time mo nung tayong dalawa?" Tanong ko pa, he nodded bago ako akbayan, napalunok ako at saka naiilang na ngumiti sakanya.
Why does he move so great for his first time?
"E' sino 'yong bata?" Tanong ko, ngumiti siya at saka hinawakan ang tiyan ko.
"Nag practice lang kung paano mag alaga at mag buhat. 'Di natin alam baka nabuntis na kita." Sabi niya at saka nakangiting tumingin saakin, sabagay unlike kay Dash at Rizza ay sobra ang galit ko ng makita sila pero yung kay Ash nuong nakikipag usap sya sa babae hindi naman.
"Pakiramdam ko naman sa limang round buntis ka na. Tibay mo naman pag 'di mo pa'ko nabigyan ng anak." Sabi nito kaya natawa akong hinampas siya.
"Paano kung baog ako?" Tanong ko ulit sakanya, hinalikan niya ang labi ko at saka ngumiti.
"Hindi dapat nagpapakilala ang baog kapag binuntis kita, mabubuntis ka kapag gugustuhin ko."
Natawa nalang ako, he's really different to his brother, parang sakanya pa nga ako nakaramdam na siya yung taong hinintay ko ng pitong taon at mas nararamdaman ko yung saya at assurance niya sa akin araw-araw and he's totally doing everything.
YOU ARE READING
Bring It Back In September (UNDER-EDITING)
Romance{C O M P L E T E D} We all thought that the guy is the only one who can wait several years for the woman he love, but what if the woman is more than willing to the man who can wait for the man she loved? Is it really possible for a person to wait ov...