'Chapter Forty-Nine: Come Home.'
"No he's not here." Rebecca said and I can hear her sincerity kaya napabuntong hininga akong nilingon si Apple at umiling sa kanya, lumapit siya kay Rebecca at agad na ngumiti.
"Sigurado ka ba? Pumunta pa kami ng england just to find him, so please tell me or tell us." Apple tried to convince her pero umiling siya at hindi pa rin nagpatinag saamin kaya agad akong napaupo sa may upuan.
Binunot ni Apple ang maliit na card sa bulsa niya at saka inilapag sa lamesa niya. Natawa si Rebecca bago nagpaikot-ikot sa swivel chair niya at tinititigan kami.
"You must be really rich, but I don't care about your silver card so I cannot allow you." Napanguso si Apple at saka humugot ng upuan para tumabi sa swivel chair ni Rebecca at ngumiting bumuntong hininga.
"Please? Just tell us hindi naman namin sasabihin na ikaw ang nag sabi." Apple's eyes were already charming kaya ngumiti ako at umiiling na iniwas ang tingin.
"There you go again, you're using your charm again." Natatawang saad ko, marahan pang nag blink ng ilang beses si Apple at hinawakan ang kamay ni Rebecca kaya napatingin sakanya.
I know, ganyan din reaction ko pag nakikita si Apple na nagmamakaawa, mukhang bata...
"N-No! Stop touching me, hindi tayo close yuck ew!" Sabi ni Rebecca, nakangiti paring sinukbit ni Apple ang kamay niya kay Rebecca at tinitigan siya sa mga mata, umiwas na tumingin si Rebecca at bumuntong hininga.
"Hindi mo ako mauuto, stop using your face to me." Sabi ni Rebecca kaya nginitian ako ni Apple bago siya tumayo at hinawakan ang balikat niya mula sa likod.
"Please?" Inilagay niya ang mukha niya sa balikat ni Rebecca mula sa likod kaya nagka titigan silang dalawa, napalunok si Rebecca at agad na tumayo kaya agad naalis ang ulo ni Apple sa balikat niya.
"T-To-Tomboy ka ba?! Lumayo ka nga." Sabi ni Rebecca kaya agad na natawa si Apple bago umiling at lumapit sa kanya.
"Hindi kita tatantanan hangga't hindi mo binibigay kailangan namin. Address lang ang kailangan namin." Sabi ni Apple at hinagod pa niya at inayos ang damit ni Rebecca bago titigan muli siya sa mata.
Kung di Charm way, Seduction way ginagawa ng babaeng 'to. Sana manlang mayroon ako ng ganon para nakakapang uto din ako.
"Hindi nga p-pwede! Gosh hindi ako lesbian!" Sigaw ni Rebecca.
"Why? Wala naman akong sinabing lesbiana ka ah?" Maakit na paraan na aniya ni Apple sakanya kaya muli silang nagkatitigang dalawa.
"You're really pretty so stop looking at me!" Sigaw ni Rebecca sa kanya bago muling umupo sa swivel chair niya, Apple and I signed each other to go for it. Nakita namin ang madaming pag inom ng tubig ni Rebecca bago muling bumaling.
Tinukod ni Apple ang kamay niya sa lamesa at ngumiting muli kay Rebecca, hindi nakapag salita si Rebecca sa kanya at nanatiling nagtitigan silang dalawa kaya kunwari akong umubo upang maalis ang tinginan nila sa isa't-isa.
"Huy! In love ka?" Tanong ni Apple kay Rebecca kaya natatawa akong umiling.
"H-Hindi 'no! Fuck!" She groaned before pulling the cabinet and getting some papers and ball pen at nag sulat na bago ibigay kay Apple.
"Here take it just fucking leave me alone!" Apple laughed as she looked at the paper at kumindat saakin.
"Ang homophobic mo naman pero aminin mo kinilig ka hahaha!" Panloloko sa kanya ni Apple agad na sinamaan siya ng tingin ni Rebecca.
"Enjoy the trip." Baling saakin nito kaya agad akong umirap, bigla ko nalang naramdam ang pag aasiwa ng vibes niya saakin kaya agad na nag init ang ulo ko.
YOU ARE READING
Bring It Back In September (UNDER-EDITING)
Romance{C O M P L E T E D} We all thought that the guy is the only one who can wait several years for the woman he love, but what if the woman is more than willing to the man who can wait for the man she loved? Is it really possible for a person to wait ov...