'Chapter Sixteen: Stuck'
Ilang days ko na rin kausap si Dash and it feels like he's the same guy I know, the thoughtful one at 'yong laging gumagawa ng paraan to keep the conversation alive and go through. While Ash, well we don't talk na and it started few weeks ago and sometimes I wonder if what is he doing.
"Do you wanna meet up love?" Halos bumagsak ako sa higaan ko habang hawak ang cellphone ko dahil sa sinabi nya, ito na talaga ang first time ko na madinig ulit ang boses niya and it sounds really great.
"Sure, where?" Kinakalikot ko ang earphone ko habang nakasandal lang sa higaan ko at ngayong araw pati ang mga nakaraang week ay hindi pa ako nakakapag update ng sinusulat ko dahil mas pinipili ko pang sulitin ang oras na ito.
"I guess the same meet up before back when we're highschool. When I completely confessed." Mahinahon ang boses nya habang ako naman ay kinikilig na pinakikinggan siya and when he's done talking ay agad kong sinabing pupunta ako bago ibaba ang call at saka nag madaling kinuha ang tuwalya ko.
I felt so happy that he's back, iyong tipong answered prayer at 'yong tipong napakasaya ko and I cannot tell how excited I am. Hindi ako makapaniwala na nangyari ito na parang isang bigla binigyan ako ng pagkakataong maging masaya ng walang kapalit o ano man-just being happy that's all.
Ash and I no longer talk but I saw his social media accounts and updates he's doing great with the deal dahil sa pagkakaalam ko ay nasa Singapore nga siya last week and working hard and I am so happy for him too.
Mabilis akong umalis ng bahay dahil wala namang nag tanong saakin kung saan ako pupunta dahil wala naman ngayon sila mommy dahil lahat sila ay busy pati si Kuya for job hunting today. Excited na akong makita siya, excited na akong mahawakan siya the excitement really fills my heart.
----------
"Kailan ka ulit babalik ng Pilipinas? Bakit umalis ka kaagad, bakit hindi mo muna ako kinausap?" Lahat ng pag tatanong ko ay isinulat ko sa isang papel kung saan alam ko naman talagang hindi nya binabasa iyon at hindi pa muling mababasa and I was afraid to tell him how a failure I am.
Lahat sinabi ko gamit ang pag susulat but lately I feel like he's not going to answer anymore and he won't comeback hanggang sa nakilala ko si Ash, the guy who made everything real again at siya itong taong nag bigay saakin ng maraming posibilidad.
He made me write.
He made me think.
He made me believe.
He made me, me.
But sadly... he doesn't like me back...
Agad akong nagising nang may tumapik saaking babae at saka agad bumaling ang tingin ko sakanya at naiilang na ngumiti. "Ija narito na raw kayo sa destinasyon mo." Sabi nito kaya agad akong napa palad mukha sa kahihiyan dahil natulog lamang ako sa biyahe.
Hindi ko rin alam kung bakit nasama sa panaginip ko si Ash and what's that na hindi niya ako gusto effect? Nahihibang na ba ako o ang utak ko? Wala akong isang beses na kagustuhang magustuhan si Ash ano, nakakahiya naman sa tao na ganito ang napapaginipan ko habang tahimik siyang nag tatrabaho sa buhay nya.
Agad akong bumaba ng trycicle at nag lakad papunta sa bench tree na malapit lang sa tabi ng eskwelahan ko kung saan ako nag aaral dati, dito ko rin nabalitaan na namatay na ang kapatid ni Dash but I haven't saw his brother dahil nasa hospital at nag papagaling that time.
Kabado at punong-puno ng tensyon ang nararamdaman ko habang nag hihintay at nakatukod ang dalawa kong braso sa tuhod ko at lumilinga-linga na baka andyan na siya, pakiradam ko talaga sasabog ang puso ko sa saya at kaba at hindi ko talaga sadyang matago iyon. Para panga akong tangang pinagpapawisang-lamig.
YOU ARE READING
Bring It Back In September (UNDER-EDITING)
Romance{C O M P L E T E D} We all thought that the guy is the only one who can wait several years for the woman he love, but what if the woman is more than willing to the man who can wait for the man she loved? Is it really possible for a person to wait ov...