Chapter Twenty-Seven

705 7 1
                                    

'Chapter Twenty-Seven: Questioned.'

Agad akong nag order ng pagkain, nag luto rin ako ng cupcakes na ilang araw ko ding sinubukang i-bake at ngayong masarap na siya sa panlasa ko ay agad ko itong hinain, base kasi sa message ni Ash ay hindi siya nasa good mood kaya gusto ko siya i-cheer up.

Nawala ang atensyon ko sa mga binake ko nang madinig kong nag ring ang door bell mula sa labas kaya dali-dali akong lumabas ng pinto at nakita siya, pinagbuksan ko siya ng gate and in my surprise he wasn't happy to see me at all.

"Welcome home, nag bake ako ng cup-" Nabigla ako ng may halong galit ang pag hawak niya sa kamay ko at pag hila nya saakin pa loob ng bahay, nuong una ay hindi ko pa iniinda ang sakit ang reaksyon nya.

"Ayan! cupcakes oh, pinagpraktisan ko 'yan kasi pauwi ka na." Sabi ko na itinuro ang cupcakes, bahagya naman niyang tinitigan iyon habang ako ay nag hihintay sa reaksyon nya.

I was surprised when he picked up one of the cupcakes and looked at it, akala ko nga kakainin niya but I was wrong-it was far from what I expected.

"H-Hoy Ash!" Agad kong hinawakan ang braso niyang pinipigilan siya sa ginagawa nya, but he kept pushing me away.

"Huwag mo namang itapon! Pinaghirapan ko 'yan." Sigaw ko sakanya while my eyes were kept holding all the tears I wanted to burst out for what he did.

"I don't want your fucking cupcakes Xianna!" Sigaw niya rin saakin when he's done throwing them all away, halos hindi na ako makapag salita at nanghihina ang tuhod ko dahil sa sinabi nya saakin, I wasn't asking myself kung ano ba nagawa kong mali.

"Pinaghirapan ko nga 'yon! Sana sinabi mo nalang sakin na hindi mo pala gusto non edi sana pinamigay ko nalang sa iba o binigay kay Dash!" Sigaw ko ulit while my tears were flowing with suprisingly unbearable heat, pati puso ko masakit.

Ilang araw ako nag practice para may magawa para sakanya then itatapon niya lang, sa anong rason? sa bad mood siya at saakin nya nabuntong 'yon? Hindi naman ako ang may kasalanan kung bakit siya umuwi agad ah.

Nanatili siyang galit ang paningin saakin, hindi ko naman gusto pangunahan yung nararamdaman niya pero ginawa ko 'yon to cheer him up.

"Ash kapag nagagalit ka naman tumingin ka manlang saakin na para akong tao na nasasaktan din? Hindi mo naman alam kung gaano karaming sugat inabot ko dyan at paso para lang ma perfect 'yan. Sana manlang tinikman mo o kahit huwag mo ng tikman, sana pinuri mo manlang." 

"It wasn't about the cupcakes Xianna." He spoke, agad kong ibinaba ang apron sa lamesa ng padabog.

"Edi saan? Bakit nadadamay yung cupcakes ko?!" Hindi ko napigilang lumuha, Ash didn't changed his mood.

"You didn't listen to me! Sinabi ko naman sa'yong umuwi ka ng seven!" Sigaw niya saakin, I exclaimed and burst out laughing while crying.

"Ngayon tama ka? Nagalaw na'ko? Nyeta naman Ash! Nakakagago ka naman e' ano kaba at sino kaba para diktahan ako?! Boss ba kita?" Tinitigan ko siya at nakita ko ang pagbabago ng reaksyon nya habang tinititigan ako.

"Kung umakto ka nga e' parang mas boyfriend pa kita keysa kay Dash, hindi ka marunong lumugar! Yung marka mo?! If I don't have my allergies I won't have anything to excuse on him." I added.

Yung mukha niya hindi na puno ng galit, it was un-explainable sadness that extremely affect him.

"You're living under my roo-"

"Ash! Ilang beses ko bang sinabi sa'yo na kaya kong umalis dito?! Ikaw lang naman itong mapilit na gusto akong mag stay 'di ba? May buhay ako, may boyfriend ako!" Sigaw ko sakanya, nakita kong tinukod niya ang kanyang mga kamay sa lamesa at tumingin ng bahagya saakin.

Bring It Back In September (UNDER-EDITING)Where stories live. Discover now