Chapter Forty-One

777 12 0
                                    

'Chapter Forty-One: Truth and Lies.'

Umuwi na ako ng Pilipinas at napangiti ako nang makita ko ang buong salas na tahimik at hindi ko maintindihan na para bang pinanghihinayangan ko ito, agad kong inayos ang mga gamit duon pagkatapos kong mag bihis at asikasuhin ang sarili ko.

Nabigla ako habang tinititigan ang kuwarto ko nang lumuha ang mga mata ko, nanguno't ang mata ko habang pinupunasan ko ang luha ko.

"Bakit ka ba umiiyak? baliw ka ba at namimiss mo na agad si Ash?" Natatawa kong kinuha ang vacuum at binuksan iyon at nanahimik nalamang, dalawang araw na lamang at uuwi na rin naman si Ash kaya hindi dapat ako umiiyak ng ganito lang.

Agad kong itinago ang vacuum pagkatapos bago mag tungo sa ref. at inalis ang mga sira ng pagkain duon, hindi na rin naman karamihan pero itinapon ko na rin ang iba.

Nabigla ako nang umakyat ako ng kusa sa tapat ng kuwarto ni Ash at nakatitig lang duon.

"The paintings..." Binuksan ko ang pinto at lucky naman na bukas iyon, nagawi ng tingin ko ang mga paintings na nakataklob kaya agad kong tinanggal iyon, natigilan ako at kinuha ang maliit na kopya ng artwork niya na nakita kong naka display sa art gallery nuong una ko siyang makita.

Namangha ako na may hapdi ang nararamdaman, pinunasan ko iyon at agad na kinuha ang ibang paintings, hindi ako makakapayag na masisira ang itsura ng paintings niya dahil sa dumi at alikabok. 

Habang kinukuha at pinupunasan ko ang ibang paintings ay may dalawang natira duon kaya napangiti akong kinuha ang isa, I was stunned nang may makitang sunset na paintings kaya hindi ko agad nabuksan ang isang tinanggal ko.

"Sunset?" Nanatili akong nakatingin duon at pinunasan, I saw how this painting makes me remember simple little things, agad kong nabitiwan ang painting sanhi na mabasag ang cover na glass na mayroon ito.

I rushed to get down at agad na binuksan ang laptop ko bago dalhin iyon sa itaas, patuloy ang pag luha ng mga mata ko habang nahihirapan at nagmamadaling nag hihintay na bumukas ang laptop ko, agad kong dinampot ang painting na sunset kahit na may mga bubog iyon.

"Fuck! Fuck! Dalian mo!" Sigaw ko sa laptop ko, when it's already opened ay nakita ko ang sunset na parehas na parehas sa painting na ito. 

Inilikod ko pa ang painting at may nakita akong sulat duon kaya nanatili akong napatakip ng bibig.

She loves sunsets, I love her... She's my sunrise. -Xianna

Hindi ako makapaniwalang napatigil at agad na isinarado ang laptop ko, nag madali akong mag halukay at nakita ko ang nakasaradong laptop sa ibabaw ng lamesa, agad kong binuksan iyon. While nag lo-load ay hindi ako makahinga ng maayos.

Tumulo ang mga luha ko habang hinihintay iyon at sinusuntok ng ilang beses ang lamesa dahil sa gusto kong madaliin ang pag loading.

My heart stopped when I saw the wallpaper hindi ako makapag pigil na makagat ang labi ko sa sakit na nararamdaman ko at kahit na gusto kong isarado ay nag libot pa ako at binuksan ang photos niya.

Nakita ko doon ang mga pamilyar na message na hindi ko iniisip na mapupunta duon, it was an hopeless reading as I am looking at it.

Xianna Estiller

I hope you forgive me from what I did... little Xia.

Nagmadali akong kunin ang cellphone ko at buksan ang facebook account ko dati na iniwan at hindi ko na muling binuksan, gusto kong makumpirma na kung sino ba iyang Xianna at sino ako-kung iisa lang kaming dalawa.

My jaw dropped and so as my phone when I saw the messages.

"Wha-What's happening?" Agad akong napatingin sa buong kuwarto, hindi ko naiintindihan kung bakit nakakaramdam ako ng sakit sa ganitong pagkakataon.

Bring It Back In September (UNDER-EDITING)Where stories live. Discover now