C2: Pity on me, Death.

307K 4.6K 1.9K
                                    


"Life is short, and shortly it will end;

Death comes quickly and respects no one.

Death destroys everything and takes pity on no one.

To death we are hastening, let us refrain from sinning."

--------------------------------------------x

LUNA'S POV


LUMABAS ako sa kwarto at napatingin ako kaagad sa isang tray na nasa labas ng kwarto niya. Isang tingin palang, alam ko na agad na hindi pa nagagalaw ang pagkain na iyon. Tumayo ako sa harapan ng tray. Pagkatapat na pagkatapat ko sa pinto, agad akong nakaramdam ng kirot sa dibdib. Ito ang tinik na matagal ng nakabaon at unti-unting sinisira ang buong sistema ng katawan ko. Ang nasa loob ng kwartong ito ... siya ang tangi tao na palaging nagpapaalala sa akin kung gaano ako kawalang kwenta at kung gaano ako dapat na hindi nabuhay.

Ang Mama ko.

Kinuha ko ang tray at aalis na sana upang dalhin ito sa kusina ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto niya. Napatingin ako kagaad sa loob. Gumuguhit sa ilong ko ang masangsang na amoy galing sa loob ng kwarto. Gulo gulo ang lahat ng gamit at tila ba hindi na ito nalilinis ng ilang taon.

Nakita ko siya. Yakap yakap niya ang isang puting unan habang nakaupo sa gilid ng kama niya na nakasandal sa pader. Sira-sira rin ang wallpaper ng kwarto niya, siguro dahil sa pagkalmot niya rito at sa pagsulat ng kung anu-ano. Napaatras ako ng biglaan siyang tumingin sa akin.

Hindi talaga siya pumapalya sa pagpapakaba sa akin.

Napatingin ako sa tray na naibagsak ko dahil sa pagkagulat ngunit bago ko pa man ito mapulot ay agad kong narinig ang pagsigaw ng Mama ko. Tumakbo siya papunta sa akin habang gigil na gigil. Sinabunutan niya ako gamit ang dalawa niyang kamay na matutulis ang bawat kuko.

"Demonyo! Isa kang gawa ng demonyo! Ayaw ko sayoo! Hindi kita anak!" pilit ko siyang tinutulak palayo ngunit sadyang mas malakas siya sa akin, katulad pa rin ng dati. Napasandal ako sa gilid ng hagdanan at sa ilang sandali ay maari akong mahulog at masaktan. "Kahit kailan hinding hindi kita matatanggap! Demonyoooo! Mga demonyo kayooo! Sana hindi ka na lang nabuhay!" nakita kong hinatak siya ni Papa palayo sa akin.

"Edlyn tama na!" sigaw sa kanya ni Papa habang yakap yakap niya sa balikat si Mama upang mapigilan ang pagwawala nito. "Edlyn please!" ngunit mas lalo pa siyang nagwala at nagpupumilit na umalis sa pagkakayakap ni Papa upang saktan muli ako.

Agad naman nagsidatingan ang mga katulong kasama ng dalawang personal nurse ni Mama. Tinurukan ng tranquilizer  si Mama sa balikat na naging dahilan ng unti-unti niyang pagtulog. Pinasok na siya sa loob ng kwarto habang naiwan naman kami ni Papa sa labas. Nakatulala pa rin ako. Hindi sa hindi ako makapaniwala sa ginawa niya, alam kong iyon ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako. Gustong-gusto niya akong patayin. Gustong-gusto niya akong sinasaktan dahil sa tingin niya, kapag nagawa niya yon, makakapaghiganti na siya.

Dahil ako ang bunga ng panggagahasa sa kanya.

Ako ang tanging katibayan ng masalimuot niyang nakaraan. Isang salot. Isang sumpa. Walang kwentang nilalang. Iyan ang tingin niya sa akin.

"Anak." Narinig ko ang boses ni Papa. Tumingin ako sa kanya at inirapan na lamang siya. "Pagpasensiyahan mo na ang Mama mo ah. Alam mo namang—" wala na siyang nagawa kundi tumigil ng nagsalita ako.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon