"Cyrus, the wicked wolf."
--------------------------------------------x
LUNA'S POV
HINDI ko inaasahan na makakapasok ako rito sa loob ng opisina ni Mr. Laketon. Lalong-lalo na sa ganoong sitwasyon. Nagtataka rin ako. Bakit dinala pa ako ni Mr. Laketon dito? Sana man lang ibinigay na niya ang kailangan ko hindi itong dinala pa niya ako rito.
Ilang beses akong napatingin sa opisina. Mas malamig dito kaysa sa classroom. Marami ring nakasabit na mga frame sa dingding. Ang iba ay painting at ang iba naman ay mga papel na maaring certificate o kaya mga awards para sa eskwelahan na ito. Kahit ano man doon ay wala akong pakialam.
Marami ring mga papel sa lamesa ni Mr. Laketon at sa likuran naman ng kinauupuan niya ay isang malaking bookshelf. Napansin ko rin ang pintuan sa tabi nito na talagang agaw pansin dahil sa kalakihan ng padlock na gamit. Ngayon ko lang nalaman na may isa pang kwarto sa loob ng opisina ng Presidente ng Laketon Academy.
Ano kayang nasa loob nito?
"Luna Levesque, Class 3-C." Sabi niya habang binabasa ang hawak niyang I.D ko na kanina'y kinuha niya. Binalik naman niya agad ito sa akin sa pamamagitan ng paglapag nito sa lamesa. Kinuha ko naman ito at sinuot. Tinitigan ko siya ngunit hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya.
Nakangiti pa rin siya.
Yung ngiti na alam mong walang mabuting iniisip.
"Nice to meet you, Ms. Levesque. I've heard so much about you." Napakunot ang noo ko sa narinig ko kay Mr. Laketon. May binuklat siyang kwardeno sa harapan niya at muling nagsalita, "Batay dito, anak ka ni Elmo Levesqye, my old friend. Tignan mo nga naman, ang liit talaga ng mundo." Tumingin siya sa akin at malapad na ngumiti.
Hindi ko alam na dati pala niyang kaibigan ang tatay-tatayan ko. Maaring iyon ang dahilan sa mahigpit na pagtanggi niya sa pagpasok ko sa eskwelahan na ito. Ayaw na ayaw niya sa desisyon ko ngunit wala siyang magagawa. Hindi siya ang tunay kong ama para bawalan ako sa mga bagay bagay. Wala siyang karapatan.
"Bagsak ka dati sa lahat ng subjects mo. Galing ka sa Marylaine Academy at isa ka sa mga estudyante na binu-bully roon." Pagpapatuloy niya. "Mas lalo akong nagiging interesado sayo, Ms. Levesque." Tumingin siya muli sa akin. Isang ngiti na naman ang pumorma sa labi niya. Nakakauta siyang tignan habang nakangiti. Ewan ko. Wala akong nakikitang mabuti sa ngiti niya.
Sa bawat pagtingin sa kin ng Mr. Laketon ay kinikilabutan ako. Para bang hindi niya binabasa ang lahat ng nasa kwadernong hawak niya. Alam kong nandoon ang lahat. Sigurado ako na hindi lang siya basta basta na tumatanggap ng estudyante rito. Maaring sinasala niya ang lahat ng mapupunta sa eskwelahan na ito.
Lalo na sa 3-C.
BINABASA MO ANG
Class 3-C Has A Secret 2 | completed
Mystery / Thriller"Because some secrets ... just might kill you." ••• Date started: January 29, 2013 Date finished: June 22, 2014 Wag basahin kung hindi pa nababasa ang buong book 1. (If sa napublish na, volume 1 at volume 2 ang makakacomplete ng story). Iba rin ang...