PAKIBASA UTANG NA LOOB
{Sa mga nakabasa ng volume 1 and 2 ng C3CHAS. Maaring maguluhan kayo sa ilang bagay na nandito. Tulad ng nakalagay sa description at sa note sa unang chapter, ang changes na nangyari sa volume 1 & 2 ng c3chas ay wala pa sa book 2 na 'to. Dahil noong nasa kalagitnaan ng pagrevise ng book 1 (volume 1 &2), ay kalagitnaan din ng story na 'to. Isasakto ko ang changes sa book 1 kapag napublish na rin itong book 2. Sana sa dami ng note at warning ay mabasa na ng iba. Pangatlong note na 'to. Utang na loob.)
"The best liar is he, who makes the smallest amount of lying go the longest way." —Samuel Butler
--------------------------------------------x
ASH'S POV
"PRE, sandali ka lang ha?" tumingin ako kay John Philip na nakasandal sa van. Lumapit ako sa kanya at kinuha ko ang suot niyang itim na sumbrero. Agad ko naman itong sinuot. Mahirap na kapag may nakakilala sa akin.
"Oo naman." Sabi ko sa kanya kasabay ng isang ngiti. Napatingin naman ako kay Thania na tahimik lang na nakaupo sa loob ng van habang bukas na bukas ang pinto nito. Nakasimangot siya. Panigurado na ayaw niya ang pagdalaw ko sa eskwelahan na ito. Ngumiti lang ako sa kanya kahit alam ko naman na hindi nito mawawala ang pagkainis niya.
Alalang-alala ko pa ang sinabi ni Thania noong gabing iyon. "Magsisimula ulit tayong tatlo... isang magandang panimula. Para sa bago nating buhay. Malayo sa nakaraan. Malayong malayo."
Tama. Natapos na ang lahat. Natapos na ang laban nila. Ngunit ang akin? Matagal nang tapos. Wala lang naman sa akin ang lahat ng iyon. Ang mga buhay ng kaklase ko... wala akong pakialam sa mga iyon. Ang tanging importante lang sa akin ay ang sarili ko.
Ngumiti ako nang tumalikod ako sa kanila.
Ilang beses ko ring tinatanong sa sarili ko... kasama ba talaga ako sa kanila? Talaga bang kabilang ako sa kanilang dalawa? Ngunit isang sagot lang ang tangi kong naiisip. Hindi. Kahit kailan hindi ako kabilang sa kahit anong grupo. Lumalaban ako para sa sarili ko. Hindi ko sila kailangan ngunit kailangan nila ako.
Napangisi ako habang naglalakad. Muli kong inibaba ang suot kong sumbrero para mas matakpan ang mga mata ko. Sanay na sanay na akong takasan ang mga guwardiya dito. Hindi ko lubos na maisip na makakapaglakad pa ako nang ganito sa loob ng eskwelahan na ito. Normal lang. Na para bang hindi ako naging parte nito.
Muli kong naalala ang mga nanyari. Sariwa pa sa akin ang lahat. Ang mga pekeng ngiti, pekeng salita, at mga pekeng tawa. Lahat ng iyon... palabas lang. At dati, bago ako matulog tinatawanan ko na lamang ang lahat ng iyon. Mga tanga sila. Hindi ko alam pero sobra akong nalibang.
Kung hindi lang sana ginawa sa akin ni Yuko ang mga iyon. Kung hindi lang niya ako iniwan at pinaasa. Kung hindi lang niya ginawa ang dating kasalanan ni mama. Hindi ko sana maiisip ang lahat. Hindi sana ako magiging katulad ng tatay ko. Hindi sana ako papatay.
Kahit papano naintindihan ko ang tatay ko. Ang sayang naramdaman niya noong pinatay niya si mama... naramdaman ko rin iyon. Ang ngiti at tawa ko noong napatay ko si Yuko. Sobrang kasiyahan na para bang nabunutan ako ng isang malaking tinik sa katawan ko. Dapat lang sa kanya ang mamatay.
Dere-deretso ako papunta sa high school building. May ilang estudyante na dumadaan na naging dahilan ng pagyuko ko. Pagtingala ko'y napagmasdan ko muli sa mismong harapan ko ang high school building. Awtomatikong pumorma sa mga labi ko ang isang mapait na ngiti.
BINABASA MO ANG
Class 3-C Has A Secret 2 | completed
Mystery / Thriller"Because some secrets ... just might kill you." ••• Date started: January 29, 2013 Date finished: June 22, 2014 Wag basahin kung hindi pa nababasa ang buong book 1. (If sa napublish na, volume 1 at volume 2 ang makakacomplete ng story). Iba rin ang...