"Sometimes people don't understand the promises they're making when they make them." ― John Green, The Fault in Our Stars
--------------------------------------------x
LUNA'S POV
Kanina ko pa siya tinititigan habang nasa harapan siya. Naniningkit ang mga mata ko sa inis. Ang pangalan niya ang huli kong nakita sa dalang phone ni Sandria. Isa lang ang pumasok sa isipan ko kung bakit naroon ang pangalan niya. Maari at posibleng isa siya sa kanila?
Ngunit paano kung hindi?
Paano kung baliktad?
Paano kung—ang killer ang naglagay 'nun sa phone at hindi si Sandria?
Kung makakausap ko lang sana si Sandria. Napatingin ako sa paligid. Wala pa rin si Sandria. Posible nga kayang—patay na siya?
"Kung pwede talagang makapatay ang titig, siguro madami ka ng napatay," sabat na naman nitong katabi ko.
Hindi ko tinignan si Spade at nagpatuloy sa pagtitig sa kanya, sa taong nasa harapan. Ngunit isang sandali ay naramdaman ko ang presensya ni tanga na malapit na malapit na sa akin. Doon ako lumingon sa kanya at bumungad sa akin na halos magkadikit na ang mga upuan namin.
"Anong katangahan 'to?" tanong ko sa kanya.
"Pakopya ng assignment. Bilis," umirap ako sa kanya at muling tinitigan ang lalaking nasa harapan. "Bakit ba kanina mo pa siya tinititigan Tuna? Crush mo siya? Crush mo si—" agad kong tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay ko.
"Ayoko ng isa pang katangahan ha?" sambit ko sa kanya sabay irap.
"Eh bakit mo ba siya tintitigan?" tanong pa niya sabay hablot ng notebook ko sa desk at dali-dali kumopya ng assignment.
Hindi ako tumugon. Walang kwentang kausapin ang tanga na 'to. Isa pa, masyado akong abala sa pag-iisip kaysa isipin ko pa tong tangang katabi ko. Ilang sandali ay natapos na siya sa pagkopya.
Ngumiti siya sa akin sabay, "Salamat Tuna. Sigurado kang tama lahat na 'to ha?" ngumisi pa siya bago iusog muli ang upuan niya sa pwesto talaga nito.
Leche. Nakakairita talaga.
Natapos ang unang tatlong klase. Umalis lahat ng nasa klase upang pumunta sa cafeteria. May ilan din na nagtataka sa pagliban ng klase ni Sandria dahil nga raw na siya ang pinakamasipag sa lahat. Ngunit mas lalo akong napakinig sa pag-uusap nila habang palabas nang si Austin na ang nagsalita.
"Malay nyo, patay na," sabay tawa niya.
Dati pa ko nagtataka sa kanya. Isa pa ang pinagtataka ko ang biglaang pagsama ni Sapphire kay Clyde at Abigail. Ang biglaang paghiwalay at abanduna sa kanya ng isa pa niyang kaibigan na si Austin pati na rin ang buong klase.
BINABASA MO ANG
Class 3-C Has A Secret 2 | completed
Misteri / Thriller"Because some secrets ... just might kill you." ••• Date started: January 29, 2013 Date finished: June 22, 2014 Wag basahin kung hindi pa nababasa ang buong book 1. (If sa napublish na, volume 1 at volume 2 ang makakacomplete ng story). Iba rin ang...