C31: Ironic truth.

137K 2.3K 1.1K
                                    


"The past is never where you think you left it." ― Katherine Anne Porter


--------------------------------------------x

SPADE'S POV

 

BINUKSAN ko ang pintuan ng kotse niya at bago ko ito isarado ay binato ko sa kanya ang hawak kong envelope na bigay rin naman niya. Ngumisi ako bago magsalita. "Isasak mo dyan sa baga mo yang pera mo pati na rin yang bulok mong ideya." Sinarado ko nang padabog ang pintuan. Lalakad na sana ako papasok ng main gate ng Laketon nang narinig ko siyang magsalita. Lumingon ako sa kanya at kita kong nakatingin siya sa akin habang  nakabukas ang bintana ng kotse niya.


"Utang mo sa akin ang lahat. Tandaan mo yan." Ang huli niyang sinabi bago humarurot ang bulok niyang sasakyan na kasing bulok ng may-ari. Tss. Daming arte.


Halos nakadikit sa akin ang mga mata ng dalawang guard dito sa bungad ng main gate. Hindi ba sila makapaniwala? O baka naba-bakla na sila sa akin? Ano ba naman yan!  Langhiya, kung anu-ano ang naiisip ko. Badtrip naman kasi eh.


Itinapat ko lang sa mga mukha nila ang suot kong I.D at tuloy-tuloy na pumasok. Saka ko narinig ang boses ni Tuna—este—Luna sa likuran ko. Hindi ako lumingon bagkus ay huminto ako para makasabay ko siya sa paglalakad. Tutal, siya naman ang unang namansin eh. Crush din ata ako nito.


"Alam ko na." Sabi pa niya nang nagkatabi kami at sabay na naglalakad.


"Ang ano?" tanong ko naman.


"'Yung sikreto mo. Alam ko na." Napatigil ako sa sinabi niya. Ah, oo nga pala.  Nagulat ako pero ilang sandali, napag-isip-isip ko din na hindi ko naman maitatago kahit kanino ang tungkol dun. Ayos lang. Wala na kong magagawa.


"Oh tapos? Magpapa-party na ba ako nyan Tuna?" pang-aasar ko sa kanya saka kami nagsimula ulit maglakad. Ano pa bang dapat kong sabihin diba? Hahaba pa ang usapan tungkol doon kung hindi ko na sisimulan na asarin tong si Luna.


Ngunit imbis na makita siyang nanggagalaiti, naiinis o kaya simulan na akong patayin sa irap ay nakatingin lang siya sa akin gamit 'yong mga mata niya na akala mo ay walang buhay. Muli ay napatigil kami sa paglalakad. Nakatingin lang din ako sa kaya na takang-taka sa reaksyon niya.

 

Ano kayang iniisip ni Luna?

 

"Isang tanong lang, Spade." Sa wakas ay nagsalita na rin siya. Hindi ko pa rin maialis sa kanya ang titig ko. Ngayon ko lang napansin, bukod sa wala itong emosyon , bukod sa nakakairita ito minsan ... maganda rin pala.


"Kailan mo ako balak patayin?"


Sa sobrang gulat ko sa tanong niya'y wala na kong nasabi. Halos napanganga ako sa tanong niya na agad ko namang binawi ng nakaraan na ang ilang minuto. Agad akong nagsalita nun.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon