"I was what you are, you will be what I am."
--------------------------------------------x
SPADE'S POV
NAKABULSA ang dalawa kong kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon ko. Naghikab muna ako bago umakyat ng hagdanan. Sa totoo lang, ayaw ko naman pumasok sa eskwelahan na ito. Kung hindi lang dahil sa kanya, siguro nasa Wilward Academy pa rin ako.
Sino ba ang may gustong mag-aral sa ganitong eskwelahan? Na tanging pera lang ang nagpapatakbo ng lahat. Kalokohan lang. May ilang estudyante na hindi ko naman kilala ang bumati sa akin. Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy na lang ako sa pag-akyat papunta sa ikatlong palapag. Nakakatamad.
"Baliw ka ba?! Ilang beses ko bang kailangang sabihin na hindi mo ko anak at hindi kita nanay. Lumayo ka nga sa akin." Narinig kong sabi ni Sapphire habang nagmamadaling umakyat sa hagdanan. Napalingon naman ako sa kinakausap niya na agad umalis nang nakita akong nakatingin sa kanila, ang adviser namin. Galit na galit na napabuntong hininga si Sapphire habang nakatayo malapit sa akin. Tinignan niya ako na para bang nagulat pa sa presensiya ko.
"Good Morning." Sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad.
Maglalakad na rin sana ako nang may nakita pa kong parating na kaklase namin.
"Oh Tuna, mukhang mas nauna pa ko sayong pumasok ngayon ah?" Ngumiti ako sa kanya ngunit katulad nang palagi niyang ginagawa, sinimangutan lang niya ako at umirap nang sobrang talim. Mukhang nasasanay na ko sa babaeng ito. Hindi ko rin alam pero sa lahat ng tao dito mukhang siya lang ata ang pinakamatino.
"Hindi ako nakikipag-unahan sayo, tanga ka talaga." Muli siyang umirap at umakyat na rin paitaas. Napangiti ako, sa buong buhay ko, ngayon lang ako natawag ng 'tanga' na paulit-ulit at galing sa isang tao na hindi ko naman lubusang kilala. Umiling ako habang nangingiti tsaka umakyat na rin sa pangalawang palapag.
Nasa dulo na ko ng hallway at ilang hakbang na lang at malapit na ko sa classroom namin, ng 3-C. Nang may biglang umakbay sa balikat ko. Napatingin ako kay Cyrus kasama nila Raphael.
"Oh pre, good morning. Nice game kahapon." Sabi sa akin ni Cyrus habang nakangiti.
Tumingin naman ako sa katabi niyang si Raphael na nagbabasa ng libro habang naglalakad. Ilang segundo siyang tumingin sa akin at ngumiti upang batiin ako.
"Siyempre, kasama niyo ako eh." Ngumiti ako at bahagyang tumawa sa sinabi ko.
Nagkayayaan kahapon na maglaro ng basketball at ang kalaban ay ang mga taga-3A, wala rin naman akong gagawin kaya sumama ako sa kanila. Wala. Pampalipas oras lang.
"Ulol ka talaga!" Tugon ni Cyrus habang tumatawa. "Sa susunod 4-A na kalaban natin. Kapag pumalag, ibang laro na ang gagawin natin." Ngumisi siya habang tumatalim ang bawat titig niya. Marami akong narinig patungkol kay Cyrus pero mukhang kalahati doon ay hindi naman totoo.
"Manahimik ka nga Cyrus. Kung anu-ano na naman ang iniisip mong laro." Tuloy-tuloy na sinabi ni Raphael habang nakatingin pa rin sa libro niya. "Hindi yan magugustuhan ni Sapphire." Muling pagpapatuloy ni Raphael.Bumuntong hininga lang si Cyrus at umalis sa pagkakaakbay sa balikat ko. Binuksan niya ang pintuan ng classroom at binati ang mga nakakasalubong niyang kaklase namin habang si Raphael ay tuloy lang sa paglalakad habang nakatuon pa rin ang mga mata niya sa libro.
BINABASA MO ANG
Class 3-C Has A Secret 2 | completed
Bí ẩn / Giật gân"Because some secrets ... just might kill you." ••• Date started: January 29, 2013 Date finished: June 22, 2014 Wag basahin kung hindi pa nababasa ang buong book 1. (If sa napublish na, volume 1 at volume 2 ang makakacomplete ng story). Iba rin ang...