"For the strength of the wolf is the pack and the strength of the pack is the wolf." —Unknown
--------------------------------------------x
SPADE'S POV
SA PAG-ANGAT NG ULO KO'Y napaunat pa ko dahil sa sarap ng tulog ko. Di ko na rin alam kung pang-ilang tulog ko na to nitong araw basta nakabawi na ako ng tulog. Iba talaga ang feeling pag sa school natutulog, libreng aircon.
Napansin kong nag-aayos na ng mga gamit ang mga kaklase ko kaya tumayo ako at ang una kong hinanap ay si Luna. Hindi ko rin alam kung bakit. Nitong mga nakaraan na araw, siya na lang lagi ang una kong hinahanap. Nasanay lang siguro ako. Psh.
"Oy, Tuna." Bati ko nang umupo ako sa may harapan niya.
Normal na reaksyon na para sa akin ang pagtingin niya sa akin tapos pag-irap. Sa sobrang normal, halos hindi ko na napapansin. Wala eh, pinaglihi talaga siya sa sama ng loob. Kapag ngumiti na 'tong babaeng 'to, baka end of the world na o kaya kapag susugod na ang mga zombies. Nyeta.
Inaayos niya ang bag niya habang ganun pa rin ang mukha.
Ilang beses rin akong napalingon sa paligid. Imahinasyon ko lang ba na kanina pa ako tinitignan ng buong klase? Grupo-grupo ang mga nagkalat sa buong classroom at kahit hiwa-hiwalay sila, ramdam ko talaga na ako ang tinititigan nila.
Anong problema ng mga 'to?
"Bakit sila nakatingin sa akin? Masyado ba akong gwapo ngayon? Sabihin mo nga Tuna, gumagwapo ba ako lalo?"
Sa inaasahan ko, tinignan ako nang masama ni Luna ngunit may bago ngayon sa pagtingin niya, para bang nagtataka siya at para bang may iniisip na malalim kahit na nakatingin lang siya sa akin.
Crush na ata ako nito eh.
"Alam na nila," simpleng sagot niya.
"Na ano?" napakamot ako sa ulo dahil sa pagtataka. Anong alam na nila?
"Na isa kang wolf," at pagkatapos ay tinitigan na naman niya ako ngunit sa pagkakataong ito ... hindi na masama. Sabihin na lang na medyo nawala ang sama sa mga mata niya.
Pero langya naman, bakit wolf? Mas tatanggapin ko pa ang pusa eh.
"Naniniwala ka naman?" tanong ko sa kanya.
Iniwas niya ang tingin sa akin at tinuon ang atensyon sa bag niya. Ilang sandali ay nagsalita na rin si Luna, "Oo. May problema ka 'dun? Kasama ka naman talaga eh? Diba?"
Bigla akong nakaramdam ng inis. Hindi ko rin alam kung bakit. Ang alam ko, sanay na ako sa ugali ni Luna na ito pero ngayon para bang may kung ano sa sistema ko na biglang nairita.
BINABASA MO ANG
Class 3-C Has A Secret 2 | completed
Misterio / Suspenso"Because some secrets ... just might kill you." ••• Date started: January 29, 2013 Date finished: June 22, 2014 Wag basahin kung hindi pa nababasa ang buong book 1. (If sa napublish na, volume 1 at volume 2 ang makakacomplete ng story). Iba rin ang...