"All those who try to unveil the mysteries always have tragic lives. At the end they are always punished." ― Anaïs Nin
--------------------------------------------x
SPADE'S POV
BIGLA AKONG SINAKAL NI MIAKA nang sinigawan ko siya. Hindi ko rin naman sinasadya. Nabigla lang ako sa mga sinabi niya. Ilang segundo pa niya akong sinasakal. Kita ko sa mukha niya na galit talaga siya sa akin at gusto niya akong patayin.
Ngunit bigla siyang tumigil. Tinignan niya ako na para bang naluluha-luha. Bigla siyang bumulong—napakahinang bulong.
"Sorry Francis. Hindi ko sinasadya. Sumama ka lang sa akin. Sumama ka lang ha? Hindi kita sasaktan. Sumama ka lang sa akin. Sumama ka lang ah?" lumuluha siya habang paulit-ulit niyang binubulong iyon.
Hinawakan niya ang kamay ko saka ako hinatak nang marahan at dahan-dahan paabante. Ilang beses na lumingon sa akin si Miaka habang sabi nang sabi ng kung anu-ano. Habang ako ay nakatingin lang sa kanya at gulat pa rin sa ginawa niya sa akin kanina.
Habang naglalakad kami ay rinig na rinig ko ang pagkalansing pa rin ng mga susi sa kanya.
"Nandito na tayo Francis. Hinanda ko talaga ang kwartong ito para sa kamatayan nating dalawa."
Kinilabutan ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari kay Miaka at hindi ko na rin alam kung paano siya pakalmahin at sabihin sa kanya kung ano na ang tama sa mali. Hinayaan ko lang siya na ipasok ako sa isang malaking bakal na kulungan na mukhang para sa mga malalaking aso.
Tahimik ko lang siyang tinitignan habang inila-lock niya ang kulungan na kinalalagyan ko. Iniisip ko pa rin kung paano ko siya kakausapin nang hindi siya makakaramdam ng kahit anong matinding damdamin.
Lintek, ang hirap nito ah? Baka mamaya ... mamatay nga talaga ako.
Saka biglang naalala ko ang sinabi ni Luna.
"Huwag kang mamatay, tanga."
Tsss. Kahit kailan talaga, Luna. Kailangan ko pa bang muntik na palakulin sa mukha para maniwala lang siya sa akin?! Muntik na kong mamatay doon. Napabuntong-hininga ako sa sunod kong naisip dahil kung hindi ko naman ginawa iyon ay tatama sa kanya ang palakol.
At hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ayaw na ayaw kong mangyari iyon.
Lagi ko ring napapanaginipan si Luna. Ilang gabi na. Sumisigaw siya na huwag akong umalis. Sumisigaw rin siya na huwag daw akong babalik at sumama na lang sa kanya. At sa mga panaginip kong iyon ... umiiyak si Luna.
"Nakikinig ka ba sa akin, Francis? Hindi mo na rin ba ako pinapakinggan ngayon? Dahil iiwan mo rin ako kaya wala ka ng pake sa mga sasabihin ko?! Iyon ba?! Iyon ba, Francis?!" halos kinakalampag niya ang bawat pagitan ng bars ng bakal na kulungang kinalalagyan ko.
"Hindi, Mia. Hindi kita iiwan."
Wala na kong ibang maisip na sabihin kung hindi ang utuin lang si Miaka. Tumayo siya sa bahagya niyang pagkakaupo saka pumunta sa gitna. Dahil sa may ilaw na sobra namang pinagpasalamat ko ay kitang-kita ko ang pulang lubid na mula sa kisame hanggang sa gitna ng kwarto. Nakabilog ang dulo nito na para bang kaysang-kaysa na talaga ang ulo ng isang tao roon. May upuan rin sa may ilalim nito.
Magbibigti si Miaka?
"Gusto kong panourin mo kong mamatay, Francis. Panourin mo akong mamatay para sa pagkakaibigan nating tatlo." Sinabi niya iyon habang hinahaplos-haplos ang lubid. Ganun pa rin ang kondisyon niya. Para pa rin siyang wala talaga sa sarili.
BINABASA MO ANG
Class 3-C Has A Secret 2 | completed
Misterio / Suspenso"Because some secrets ... just might kill you." ••• Date started: January 29, 2013 Date finished: June 22, 2014 Wag basahin kung hindi pa nababasa ang buong book 1. (If sa napublish na, volume 1 at volume 2 ang makakacomplete ng story). Iba rin ang...