C54: Dangerous

85.2K 2.4K 1.4K
                                    

 

"Sacrifice is the ecstasy of giving the best we have to the One we love most." ― J. Oswald Sanders

--------------------------------------------x

LUNA'S POV


NAPALUNOK AKO SA KABA nang itinapat ko sa taong nasa harap namin ang ilaw galling sa flashlight na hawak ko.

Siya nga yung Miaka.        

Nanlalaki ang mga mata niya na may pagkapula. Hingal na hingal rin siya at bakas sa mukha niya na galit siya. At isa pa ... may hawak siyang palakol. May narinig din ako kumakalangsing sa kanya na para bang may maraming susi na nakalagay sa suot niyang pantalon.

"Luna,tumakbo ka. Tumakbo ka na," narinig kong bulong ni Spade na nasa likuran ko.

Ngunit paano? Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Naramdaman kong biglang hinawakan ni Spade ang kaliwa kong kamay. Napalunok muli ako sa kaba habang papalapit sa amin si Miaka. Pinisil ni Spade kamay ko. Sa sandaling iyon, nakaramdam ako ng kahit kaunting lakas ng loob.

"Nakita rin kita Francis," biglang wika nung Miaka habang mas nanlalaki ang mga mata sa aming dalawa. "Bakit hindi mo ko ipakilala sa kasama mo? Kaibigan mo rin ba siya?" dagdag niya. Biglang nadako ang tingin niya sa kamay ko. Kitang-kita ko ang pagngitngit niya sa ngipin niya dahil sa nakita niya. "Mukhang napakalapit nyo sa isa't-isa para hawakan mo pa ang kamay niya ah, Francis?"

Ngayon lang ako natakot nang ganito sa buong buhay ko.

"Mia, huminahon ka. Luna ang pangalan niya at—"

"At ano mo siya?! Kaibigan mo?! Akala ko ba, ako lang ang kaibigan mo? Ha?! Ako lang dapat ang kaibigan nyo ni Hanako dahil kayo lang ang kaibigan ko! Ano,  Francis? Iiwan mo rin ba ko tulad ni Hanako? Dahil kung iyon din naman, dapat ko nang tapusin ang babaeng 'to!"

Napapikit ako nang itinaas niya ang hawak niyang palakol at halos tumakbo papalapit sa akin. Hinihintay ko ang pagtama sa katawan ko ng hawak niya ngunit nang dumilat ako ay nakita kong nasa harapan ko si Spade at nakaharang sa palakol na iyon. Hawak niya ang kahoy na nagkokonekta sa talim ng palakol habang ilang dangkal na lang ang layo nito sa mukha niya.

Nililigtas ako ni Spade.

Nililigtas niya ... ako?

"Luna! Tumakbo ka na! Makinig ka sakin, tumakbo ka na!"

Para bang bigla akong nagising sa sinabi niya. Gusto ko sanang itanong kung paano na siya kapag umalis ako ngunit naisip ko rin na wala akong maitutulong sa kanya kahit na nandito ako.

 Bago ako tumakbo palayo ay may sinambit ako sa kanya, "Wag kang mamamatay, tanga."

Saka ako tumakbo nang tumakbo. Magalaw ang kamay ko kaya magalaw rin ang ilaw ng flashlight na hawak ko. Mariin akong pumikit.

Anong nangyayari sa akin?

Hanggang sa biglang may humatak sa akin gamit ang paghigit sa beywang ko.

Nakita ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa gilid habang hawak pa rin niya ang beywang ko. Lumingon ako sa kanya.

"Wag kang maingay. Malapit lang si Sir Buendia," sabi ni Andy habang napatong ang hintuturo niya sa ibabaw ng bibig niya. "Oh, ano ang problema? Bakit ka namumutla?" dagdag niya nang kinuha niya ang hawak kong flashlight at itinapat sa akin ang ilaw.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon