C32: Two black cats

127K 2.1K 632
                                    


"Some birds are not meant to be caged, that's all. Their feathers are too bright, their songs too sweet and wild. So you let them go, or when you open the cage to feed them they somehow fly out past you."

 Stephen King, Rita Hayworth and Shawshank Redemption: A Story from Different Seasons


--------------------------------------------x

MIAKA'S POV


INILABAS ko ang kulay puti kong payong bago pa man tuluyang lumabas ng bahay. Iniwan ko roon si Kuro kasama niya tutal magkasundo naman silang dalawa at lagi siyang sinasalubong ni Kuro sa tuwing pumapasok siya ng bahay. At isa siya sa mga taong sobrang lapit kay Hanako. Siya ang taong pinagkakautangan ni Hanako ng buhay niya. Importante siya sa aming dalawa.


At mamaya, ang sabi niya, may hinihanda siyang surpresa sa akin at kung nandito sana si Hanako ay mas maganda. Ngunit wala pa rin siya ... sinasarili pa rin siya ni Blake.


Binukas ko ang payong kasabay ng paghakbang ko. May pupuntahan ako ngayon, napaka-importanteng bagay dahil sa wakas, matutupad na niya. Ngayon lang kung kailan huli na ang lahat. Kung kailan wala ng magagawa pa. Kung kailan halos mamatay na ako sa kawalan ng pag-asa.


Sa paglalakad ko ay muli kong naalala ang lahat. Lalo na ang gabing iyon.


Ang gabing huli naming nakita si Francis.

 

"Miaka, a-alis na si Francis. Iiwan na niya tayo Miaka. A-Ano ng gagawin natin?" sabi ni Hanako na meydo humahagulgol pa rin. Kakaiyak lang niya kanina tapos ngayon, iiyak na naman siya? Buong araw na niya atang pinoproblema ang malapit na pag-alis ng kaibigan namin, ng nag-iisa naming kaibiganm si Francis. "Paano kung palagi na tayong ikulong ni Mang Arthur sa madilim na kwarto? Paano kung wala na dyan si Francis para ipagtanggol at saluhin ang parusa natin? A-Anong ng gagawin natin Miaka? W-Wala na tayong ibang kakampi."

 

Wala na akong nagawa kung hindi yakapin si Hanako at bumulong sa kanya, "Hana, nandito pa naman kami ni sister Lolit. Hana, nandito pa ako." Paulit-ulit kong sabi sa kanya.


Sa aming tatlo, si Hanako ang pinakamahina habang si Francis naman ang pinakamatapang. Hindi ako sanay sa pakikisalamuha sa iba dahil sa palagi lang akong nasa bahay dati pero noong nakilala ko sila, doon ko lang nalaman na masaya din palang magkaroon ng kaibigan. Kaibigan ... kaibigan.

 

Hindi ganun katagal namin nakasama si Francis ngunit sobra na siyang napalapit sa amin ... sa lahat. Ganun kasi siyang tao. Ewan ko ba. Iba si Francis sa kanilang lahat.

 

"Oy, anong ginagawa nyo rito?" napalingon kami kay Francis na malapad ang ngiti sa labi. Agad na pinunasan ni Hanako ang mga luha niya at umiwas ng tingin sa kanya. "Nasa drama ba kayo? Ano ba yan. Hindi bagay sa'yo Mia," at tumingin siya sakin sabay ng palagi niyang pagngiti. "Oh Hana, anyare, pinagbalat ka na naman ba ng sibuyas ni Sister Lolit?" at natawa siya sa sarili niyang biro.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon