C52: Trust no one

90.2K 2.1K 557
                                    


"The most damaging aspect of abuse is the trauma to our hearts and souls from being betrayed by the people that we love and trust." – Unknown

--------------------------------------------x

LUNA'S POV


ILANG MINUTO NA AKONG NAKAUPO RITO. Lumayo ako sa kanya.  Nasa may dulo ako ng kwarto at siya naman ay nasa kabilang dulo. Ilang sandali ay may umilaw na kung ano sa may pwesto niya. Napapikit ako nang itinapat niya ito sa akin.

"Ayos ka lang ba?" mahina niyang sabi.

Hindi ako nagsalita bagkus ay tumayo ako at naglakad. Sinusundan naman niya ako ng ilaw ng hawak niyang flashlight. Kumapa-kapa ako sa paligid hanggang sa nakarating ako sa may pintuan. Bubuksan ko sana ito upang makaalis nang bigla kong naramdaman ang kamay niya sa may braso ko.

"Delikado sa labas."

Napa-irap ako sa inis dahil sa sinabi niya. Saka ako humarap at itinulak siya palayo sa akin. Bumagsak sa may gitna namin ang hawak niyang flashlight na agad ko namang kinuha. Agad ko iyon tinapat sa gulat na gulat na mukha ni Spade.

"Sa tingin mo, ligtas ako rito? Lalo na't kasama ka?" lumingon ako sa bag ko at kinuha ko ang binigay sa akin ni Andy roon, ang kutsilyo. Mukhang napansin niya ang hawak ko kaya mas lalong sumama ang ekspresyon ng mukha niya. Binato ko sa may gilid ang bag ko saka muling humarap sa kanya. "Subukan mo akong lapitan at hindi ako magda-dalawang-isip na—"

"Makinig ka sa akin. Hindi kita sasaktan."

Ngumisi ako sa sinabi niya.

"Alam mo ba ang nakakatawa, Spade? Lahat ng trumaydor sa akin, iyan ang sinabi. Ang stepfather ko, isa sa mga kaklase ko na akala ko ay kakampi ko noon pero ginawa lang akong tanga at ang dati kong best friend. Naguguluhan ako ngayon kung ano ka nga ba sa larong 'to. Hind ko alam kung kalaban ba talaga ang dapat na tingin ko sa'yo o kakampi. Pero para mas maiwasan ang lahat ng pwedeng mangyari, lumayo ka sa akin. At kapag lumapit ka, hindi ko maipapangako—"

Ngunit bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay bigla siyang tumayo at tumakbo sa akin.

Nagulat ako.

Bigla niya akong niyakap nang mahigpit.

"Sige, kung sa tingin mo ay kalaban ako, iyang hawak mong kutsilyo—isaksak mo na sa akin ngayon."

Hindi ko alam kung ano ang problema sa katawan ko at para bang bigla akong nanghina. Bigla ding may kumirot sa may dibdib ko. Mas hinigpitan pa ni Spade ang pagkakayakap sa akin.

"Luna, sige, patayin mo 'ko."

Ramdam ko ang panginginig ng labi ko. Ang pagbigat ng mga mata ko. Hanggang sa ... bigla akong lumuha. Hindi ko alam kung bakit para bang wala akong kontrol ngayon sa sarili ko. Habang hawak ko ang kutsilyo na 'to, habang naririnig ko pa rin sa utak ko ang sinabi ni Spade—naalala ko ang gabi na pinatay ko ang sarili kong tatay. Naalala ko ang mga panlilinlang sa akin ng stepfather ko tungkol sa totoong nangyari sa nanay ko, sa pamilya nila at sa totoo kong pagkatao. Naalala ko yung mga panahon na tinalikuran ako ng lahat. Naalala ko paano ko kinamuhian ang lahat ng tao sa paligid ko—kung paano ako mawalan ng pag-asa sa pagtitiwala.

H-Hindi ko pa kayang magtiwala.

"Tigilan mo ang katangahan na 'to, Spade."

"Sasaksakin mo ko di ba? Bakit di mo magawa?"

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon