C26: Paranoia

131K 2.2K 1K
                                    


"People that have trust issues only need to look in the mirror. There they will meet the one person that will betray them the most." — Shannon L. Alder


--------------------------------------------x

SAPPHIRE'S POV

 

SINIPA ko ang bakal na pinto nitong lecheng Punishment room na tinatawag nila. Sinipa ko ito nang sinipa hanggang sa napagod lang ako. Nakakainis talaga yung walang kwentang adviser na iyon! Bakit ba nitong mga nakaraang araw ay ang init-init ng ulo niya sa amin? Napaghahalata na siya ah. Araw-araw binibigyan niya kami ng assignments, laging may surprise quiz at long quiz pa nga. Tapos lagi siyang galit kapag sa klase namin kaunting kibot lang ng isa sa amin, galit na galit na siya. Muli, isang malakas na sipa ang ginawa ko sa pintuan kasabay ng sigaw ko.


"Ang baho na nga dito, ang ingay mo pa. " Unang beses na ngang nagsalita itong si Luna na to, nakakainis pa ang sinabi niya. Sandali palang kami nandirito sa loob ng lecheng room na ito pero nakakasulasok talaga ang amoy dito sa loob. Bakit ba ako nasama sa mga ito?!


"Nagreklamo ang may naiitulong. Nakatunganga ka lang naman dyan. Tss," sabi naman ni Spade sabay ng pagtayo niya. Malayo ang kinauupuan niya kay Luna at halatang naiinis siya dun sa Luna na iyon. Naiintindihan ko naman siya, sino bang natutuwa sa Luna na iyan? Tsaka sa aming apat, si Spade lang naman at Sandria ang medyo kilala ko.


"Alam mo Luna, imbis na nagrereklamo ka diyan. Mag-isip ka kaya kung paano makakaalis dito? Yun lang kung may utak ka." At isang irap ang nakuha ko sa kanya.


"Madali lang naman tayong  makakalabas dito eh." Iginala niya ang mga mata niya sa paligid. Ang paligid kung saan ang tanging makikita ay mga kung anu-anong bungo, mga maduduming bagay na di ko malaman. Pakiramdam ko nga, may kasama kaming mga daga at ipis dito eh. Kadiri. Buti na lang may kaunting liwanag dito dahil sa espasyo sa ilalim ng pintuan. At panigurado, walang tao sa labas. Wala ding nakakaalam na nandirito kami dahil pinatawag lang kami palabas ng klase.


"Papano?" tanong naman ni Sandria kasabay din ng pagtayo niya at paglapit sa amin ni Spade.


"May plano ako." Dagdag pa ni Spade na naging dahilan ng paglapit namin sa kanya upang mas marinig siya. Nakatakip ang panyo ko sa ilong ko para maiwasang maamoy ang mabahong kwarto na ito. Hindi ko talaga kaya ang amoy. Nakakadiri. "Ang plano ko ay..." mas lalo pa kaming lumapit ni Sandria. "Ang plano ko ay mag-isip si Sandria kung pano makalabas dito. Tutal, matalino siya eh. Mag-isip ka na, Sandria." Literal ko siyang nabatukan. "Ano ba?!" reaksyon naman niya.


"Wala tayong oras para magbiruan dito, Spade." Naiinis din na sabi ni Sandria. "May dala ba kayong cellphone? Nasa bag ang akin, nasa classroom." Lumingon siya kay Spade, umiling naman si Spade. Pagkatapos ay lumingon siya kay Luna, tulad ni Spade ay wala ding dala si Luna. Saka siya lumingon sa akin. Doon ko naman kinuha ang phone ko na nakabulsa sa palda ko.


Saka ko muling nakita ang crack sa screen ng phone ko. Oo nga pala, yung nanyari sa bahay nila Cyrus. Hindi ko akalain na ganun kalala ang epilepsy ni Paula. Gulat na gulat ako at di ko naiwasan ang mapasigaw. Ngunit pagkatapos siyang magamot ng mga nurses kasama ni Cyrus, pumunta ako sa kwarto ni Cyrus.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon