C46: Fade to black

111K 2.2K 1.6K
                                    


"Once the game is over, the king and the pawn go back in the same box." ― Italian Proverb

--------------------------------------------x

MIAKA'S POV


NADATNAN KO ANG LAHAT sa sala noong pagkababa ko. Agad kong nakita na tumakbo si Kuro papalapit kay Sir Buendia. Napangisi ako.

"Nabasa mo ba?"

Umiling ako, "Hindi. May nakapagsabi lang sa akin."

Ang tinutukoy niya ay ang biglaang anunsyo ni Mr. Laketon sa website patungkol sa isang malaking event na mangyayari sa Laketon Academy sa mga susunod na araw. Ang alam ko, wala sa plano niya ang tungkol sa event na iyon ngunit anong masamang hangin ang nalanghap niya at mukhang nagbago ang isip niya?

"Kakaiba siya. Nararamdaman kong sinasadya ni Mr. Laketon ang desisyon na iyon. Sa pagkakaaalam, ayaw niya sa ideya na iyon. Ayaw na ayaw niya sa malalaking event na gaganapin mismo sa school. Bakit niya gagawin iyon? Lalo na't ilang linggo na lang ay sembreak na?" wika niya habang nakapameywang. Kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko ang itim niyang pulseras. Ang pulseras na galing kay Hanako na ninakaw lang naman niya mula sa taong totoo nitong pinagbigyan.

Mang-aagaw. Ngunit may isang bagay na gusto kong agawin niya mula kay Hanako kaso hindi niya nagawa at mukhang hanggang ngayon, hindi pa rin niya magawa.

"Baka may gusto siyang iparating sa atin. Isa nga itong magandang pagkakataon para mag-isip tayo ng plano," wika ni Sir Buendia.

Tumango ako habang umuupo. Sa totoo lang, wala akong masyadong maisip ngayon. Hindi ko alam na guguluhin ang pag-iisip ko sa taong iyon. Ang alam ko, patay na talaga siya. Paanong nabuhay si Andy Fajardo ng dating 3-C? At bakit nasa labas siya ng bahay ng kasamahan ko?

Hindi kaya, alam na niya ang katauhan namin?

"Paano kaya kung doon natin isagawa? May plano ako," biglang sabi ni Austin na kanina pang tahimik at para bang may gumugulo rin sa kanya. Nakakapagtaka dahil sa tuwing may ganitong klaseng pag-uusap, siya ang palaging aktibo.

"Ako rin, may plano." Dagdag pa ng isa naming kasama na kanina pang pinaglalaruan ang itim na itim na beads ng kanyang pulseras at nakangiti sa amin.

Napangisi ako. May nararamdaman akong iba sa mga ito.

"Sige, sabihin nyo upang makapagdesisyon tayo," sabi pa ng isa sa amin na katabi ko lang. Inilapag niya sa mesa ang hawak niyang juice box at tila ba masyadong malaki ang tiwala sa sarili na nakangisi sa aming lahat.

May kakaiba talaga at mukhang alam ko na.

Habang nag-uusap sila tungkol sa plano ay hinahagod ko ang balahibo ni Kuro. Wala na rin akong masyadong pakialam sa kung paano nila ito balak gawin basta ang akin, matapos lang itong lahat para makasama ko na si Francis, sa habang-buhay—sa kamatayan.

Magiging maayos na rin ang lahat. Magiging tahimik na rin ang mundo naming tatlo, ni Hanako, ni Francis at ako.

Napatingin ako sa peklat ng paso ng krus na bakal sa may balikat ko. Muli kong naalala ang krus na bakal na iyon, alam ko kung nakanino ito ngayon. Napatingin ako sa kanya, sa kumuha nito at agad naman akong napaiwas ng tingin nang tinignan niya ako nang matalim.

"Alam ko ang lahat ng lagusan sa Academy. Ang mga sikretong silid pati na rin ang kung anu-ano pang mga sikretong basement. Alam ko ang lahat," nakuha ang atensyon ko sa sinabiui ni Sir Buendia. Isa lang ang alam kong sikretong basement sa Laketon, ang pulang silid. Ang silid kung nasaan nakasabit ang mga ginawa kong itim na mga manika. Ang pulang pader ng silid na iyon, gusto ko muling makita.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon