"Now this is the Law of the Jungle -- as old and as true as the sky;
And the Wolf that shall keep it may prosper, but the Wolf that shall break it must die.
As the creeper that girdles the tree-trunk the Law runneth forward and back --
For the strength of the Pack is the Wolf, and the strength of the Wolf is the Pack."
— Rudyard Kipling--------------------------------------------x
LUNA'S POV
SINAKBIT KO MULI sa balikat ko ang dala kong maliit na sling bag. Muli kong nilibot ang tingin ko sa venue. Isa itong sikat na private na resort na may dalawang malaking function room na pinagsama para sa event na ito at dalawang malaking swimming pool sa may likuran. Malayo ito sa siyudad at nakatayo sa gilid ng highway, tamang-tama sa pribadong patry na 'to ... tamang-tama para sa plano ng killers dahil isa pa, sinarado ang buong venue para lamang sa party na ito.
"Ayos ka lang?" kung bibilangin, pangatlong tanong na ito ni Raphael.
"Wag kang makulit, ayos lang ako."
Tumango lang siya at muling tumingin sa phone niya. Mukhang katext niya roon si Clyde. Mukhang hindi siya ang ayos ngayon.
"May natitira pang 30 minutes bago sila dumating. In 5 minutes, magsisimula ang program. In 10 minutes, dapat wala na tayo sa kinatatayuan natin at nakahanda na tayo roon. At in 15 minutes, dapat hinihintay na lang natin ang pagpatay nila ng ilaw."
Tumango ako sa kanya. Ang plano? Simple. Hintayin ang unang galaw nila, tapos hintayin na gumalaw sila Clyde laban mismo sa grupo nila. Ngunit bago mangyari iyon, dapat mamamatay muli ang ilaw ... ang plano nila Andy. Ang plano na hindi alam ni Raphael at sana ay hindi siya gaanong magulat. Tutulong naman sila Andy, walang dapat ikatakot.
Ngunit kung pumalya palang sa una, magkakadaleche-leche na ang lahat.
"Ang ganda ng damit mo ah? Red kung red. Parang kontrabida." Nakangiti na bati sa akin ni Abigail. Tinignan ko lang siya at umiwas na rin ako ng tingin. Walang kwenta. "Tss. Nasan na kaya si Clyde? First time niya atang late ah? Imbyerna," bulong pa niya.
Late talaga siya. Wala na siyang dapat hintayin.
Pumunta na sa harapan ang MC. Marami siyang sinabi na hindi naman interesante. Malapit ng matapos ang sasabihin niya at hindi ko na rin mabilang kung ilang beses akong tumitingin sa relo ko.
"Tara na," bulong sa akin ni Raphael.
Sumunod naman ako at pumwesto kami sa may likuran ng stage kung saan nagpapabalik-balik ang mga waitress na naglalagay ng tubig sa bawat mesa. Muli ay nakinig kami sa mga nagsasalita.
"Malapit na raw sila."
Tumango lang ulit ako. Bigla akong napatanong sa sarili ko kung handa na ba ko sa mga mangyayari. Sa totoo lang, wala pa kong ideya pero naghahangad ako na maging maganda ang resulta.
At ilang sandali, muli kong naisip si Spade. Noong sinabi sakin ni Raphael ang tungkol doon, hindi talaga ako naniwala noong una pero mukhang hindi naman ako lolokohin ni Raphael.
Isa nga si Spade sa kanila. Naalala ko pa yung umaga na papasok kami. Noong tinanong ko siya kung kailan niya ako papatayin.
Ngayon na kaya iyon?
"Luna, naririnig mo ba 'ko?"
Tumango lang ulit ako kay Raphael pero sa totoo lang, lutang na ang pag-iisip ko.
BINABASA MO ANG
Class 3-C Has A Secret 2 | completed
Mystery / Thriller"Because some secrets ... just might kill you." ••• Date started: January 29, 2013 Date finished: June 22, 2014 Wag basahin kung hindi pa nababasa ang buong book 1. (If sa napublish na, volume 1 at volume 2 ang makakacomplete ng story). Iba rin ang...