"He, who knows others is learned; He, who knows himself is wise." —Lao-tzu, Tao te Ching (sixth century B.C)
--------------------------------------------x
TEACHER MAEGANNE'S POV
SINARA ko ang pintuan ng classroom ng advisory class ko, ang 3-C. Bumuntong hininga ako bago humakbang. Pinapatawag na naman ako ni Mr. Laketon. Ewan ko ba kung bakit palagi niyang kinakamusta ang 3-C sa akin, para bang natutuwa pa siya sa lahat ng nalalaman niya. Ganun ba siya nasusura sa klase na iyon?
Kahit ako, hindi ko maintindihan ang gulong pinasok ko. Nandito lamang ako para bawiin ang anak ko. Nandito lamang ako para makasama siya muli pero parang mas malaki ang pinasok kong gulo. Kung ano man ang binabalak ni Mr. Laketon, paniguradong... hindi ito para sa ikakabuti ng mga bata. Hindi maari.
Kailangan kong protektahan si Sapphire.
"Sir, pinatawag nyo raw ako?" Tanong ko sa kanya pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina niya. Kitang-kita na kararating din niya dahil sa kakalapag lang niya ng dala niyang mga papel at laptop. Sumenyas siya upang umupo ako.
"Kamusta na ang 3-C?"
Hindi na ko nagulat sa tanong niya.
"Dalawa po ang nag-transfer na sa ibang school." Tumango-tango lamang siya na para bang wala lang yun para sa kanya. Ngumiti pa nga siya eh. "Sir, hindi po ba dapat na nating—" napatigil ako sa pagsasalita ng tumingin siya sa akin nang masama.
"Ms. Ramos, itinalaga ka sa section na yan para bantayan sila. Kung ano man ang nanyayari, isipin mo na lang na katanggap-tanggap ang suweldo na nakukuha mo. Hindi ako bumabali sa usapan." Sa totoo lang, wala akong pakialam kung ako ang may pinakamalaking suweldo na nakukuha sa buong faculty. Kung alam lang nila ang dinaranas ng klase ko. Kung kaya ko lang, matagal na kong nagsabi sa pulis. Ngunit sa tingin ko rin, kasabwat na ang mga pulis sa lagay na ito.
"Iyon lamang ang gusto kong malaman. Maari ka nang umalis." Gusto ko pa sanang magsalita ngunit alam ko namang hindi niya ako papakinggan. Kung maari ko lang sabihin sa lahat ng magulang ang mga nanyayari ngunit para na ring akong bumangga sa isang matigas at malaking pader.
Alam kong may kinalaman si Mr. Laketon sa mga ito.
Hawak-hawak ko pa rin ang ilang librong ginamit ko sa pagtuturo sa 3-C. Isang oras pa bago ako magkaroon ng klase sa ibang section. Balak kong pumunta sa lumang library upang makahiram ng librong kailangan ko sa isang klase ko mamaya. Ngunit napatigil ako nang may narinig akong malakas na usapan sa di kalayuan.
"Clyde! Ano ka ba ha? Masyado mong pinapaboran yang Sapphire na yan!" napatingin agad ako sa kanila nang narinig ko ang pangalan ng anak ko. Mga estudyante ko to ah? "Ano bang gusto mo ha? Magpakamartyr ka katulad ni Cyrus? Ano ba naman yan Cylde! Uso gumamit ng utak!" nakita ko kung paano sigawan ng babae yung lalaki. Si Abigail Lim at yung lalaking palagi niya kasama, si Clyde Fortaleza.
"Abi, ikaw naman kasi ang mali. Bakit ba kasi kailangan mo pang sabihin yon? Hindi naman—" kalmadong pagkakasabi ng lalaki. Sa pagkaka-obserba ko sa kanya, parati siyang kalmado. Minsan ko lang siyang narinig na magtaas ng boses. Isa siya sa mga kaklase nila na malapit at kilala ng lahat.
Bago pa man makasalita si Abigail ay pumagitna na ako sa kanila. "Hindi ba, may klase kayo ngayon? Anong ginagawa nyo rito?" tuloy tuloy kong sinabi. Tinaasan ako ng kilay ni Abigail habang nakatuon lang ang pansin ng kasama niyang si Clyde sa ibaba.
BINABASA MO ANG
Class 3-C Has A Secret 2 | completed
Mystery / Thriller"Because some secrets ... just might kill you." ••• Date started: January 29, 2013 Date finished: June 22, 2014 Wag basahin kung hindi pa nababasa ang buong book 1. (If sa napublish na, volume 1 at volume 2 ang makakacomplete ng story). Iba rin ang...