Kung hindi mo trip na makabasa ng romance dito sa c3chas at medyo pinagtripan na isang special chapter, wag basahin 'to nang iwas reklamo. Para happy ka at happy rin ako.
***
"Balot ba o penoy? Anong gusto nyo totoy at ineng?"
-----
SPADE'S POV
TUMINGIN AKO SA SUOT KONG RELO, 1:30 pm na. Hindi naman sa bigla akong nagmadali pero ngayon ko lang naisip na isang oras at kalahati na pala silang naghihintay sa akin doon sa cafe na pagkikitaan namin. Ano bang magagawa ko? Nakatulog ako.
"Ang tagal mo, Spade! Kainis 'to. Naubos na namin lahat ng inorder namin kakahintay sa'yo," inis na inis na sisi sa akin ni Sapphire habang tinataasan ako ng kilay.
Ngumiti lang ako sa kanya. Yung ngiti ko na nagpa-in love kay Luna. Ay joke lang.
Nakatingin naman sa akin si Raphael na medyo nakangiti at si Abigail naman ay busy sa cellphone niya.
"Pasensiya na, nakatulog." Wika ko sabay upo sa tabi ni Raphael.
Wala pa rin masyadong nagbago sa kanila mula pa noon. Bumalik nga lang yung ugali ni Sapphire noong umpisa palang ng klase. Kung noong 3-C palang kami at naiwan o iniwan siya ng mga kaibigan niya, naging matino siya. Kabaliktaran noong ayos na ang lahat, grumabe pa. Fine Arts ang course niya nitong college na kami.
Si Abigail, sa ibang bansa nag-aaral pero umuuwi sa Pinas tuwing bakasyon. Mula noong natapos ang lahat, doon siya dinala ng parents niya para makalimot at doon na rin naman siya nag-aral. Gusto ko ngang itanong kung minumulto siya ni Clyde eh pero baka sapakin ako kaya wag na.
At si Raphael naman ay scholar sa isang sikat na unibersidad dito sa Maynila. Matatalino at mayayaman lang ang napapasok doon. Gusto ko ngang sumama minsan eh, madami raw kasing chicks 'dun.
Ako naman, isang engineering student. Noong wala na kong mapuntahan noong namatay na si Laketon, saka ako kinontak ng isa sa mga madre ng ampunan namin dati. At mismong isa sa mga mayaman nilang sponsor ang nagpapaaral sa akin at nagbibigay ng tirahan ngayon. Ang nakakapagtaka lang, ni hindi ko pa siya nakikita o nakakausap man lang.
Ang sabi naman ni Luna, wala pa ring nagbago sakin mula noon. Puno pa rin daw ng hangin ang utak ko at tingin ko pa rin sa sarili ko ay gwapo pero sa totoo lang daw ay isa lang akong tanga na tinubuan ng mukha.
"Bakit ba kasi nandito kami? Anong sasabihin mo?" Tanong ko kay Sapphire.
"Teka, nasaan si Luna?" Tanong din ng katabi ko, si Raphael.
Ngumiti ako, "Nasa ospital. Pinapa-check-up kung healthy si baby."
Sa sobrang gulat ni Abigail ay halos mabitawan niya ang phone niya at nanlaki ang mga mata na tumingin sa akin. Pasigaw pa niyang sinabi, "Baby nino?! Buntis si Luna? Ikaw ang ama?!"
Tumango ako.
Saka ako tumawa nang tumawa. 'Nyeta, nakakatawa ang mga mukha nitong mga 'to.
"Langya, sa tingin ninyo gagawin namin 'yon? Ni hindi ko nga mahawakan ang kamay ni Luna eh. Joke lang. Nasa vet siya, pinapacheck-up yung aso niyang may sakit ata."
"Spade, please, hindi ka pa rin ba magbabago dyan sa mga joke mo? Hindi nakakatuwa ha."
"Relax, Sapphire. Hindi makakahabol si Luna. Sinabi na niya sa akin." Ipinatong ko ang braso ko sa mesa. "Ano ba talagang sasabihin mo?"
BINABASA MO ANG
Class 3-C Has A Secret 2 | completed
Mistero / Thriller"Because some secrets ... just might kill you." ••• Date started: January 29, 2013 Date finished: June 22, 2014 Wag basahin kung hindi pa nababasa ang buong book 1. (If sa napublish na, volume 1 at volume 2 ang makakacomplete ng story). Iba rin ang...