"Never open the door to a lesser evil, for other and greater ones invariably slink in after it." ― Baltasar Gracián, The Art of Worldly Wisdom
--------------------------------------------x
RAPHAEL'S POV
"ANO NA NAMAN BA 'TO?!" sigaw ni Abigail habang nanlalaki ang mga matang tinitignan ang hawak-hawak ko sa harapan at isa-isa kong binibigay sa secretary ng klase para idikit sa board.
Napag-utusan lang ako. Pag-uutos ni Mr. Laketon. Nang natapos na ang pagdidikit sa lahat ng hawak kong malalaking litrato sa board ay agad naman ang puntahan ng lahat ng nasa classroom papunta sa harapan.
May nakadikit na anim na litrato sa harapan. Ang una'y litrato ni Sapphire habang nasa harapan si Aislinn. Halata sa mukha ni Aislinn ang ilang sugat at sa ilang linggong di ko pagkakakita kay Aislinn, mukhang malaki ang pinagbago ng mukha niya. Sa litrato, halatang may tao rin sa likuran ni Sapphire ngunit madilim at tanging anino lamang ang nakikita pero sa itsura nito, mukhang lalaki.
Ang pangalawa ay ang litrato ni Spade, nakatalikod siya ngunit halata na siya ang lalaking iyon at sa tabi niya ay nandoon si Miaka.
Ang pangatlong litrato ay kay Abigail, kausap niya si Sir Buendia habang nasa harap ng Room 101-A, ang abandunadong silid na naging kontrobersyal noong 1990's pa dahil sa nakakita sa loob nito ng mga chop-chop na bangkay. Wala sanang mali sa litrato kaso may isang bagay na kahina-hinala, magkahawak ang mga kamay ni Abigail at Sir Buendia habang may hawak si Sir Buendia na pulang lubid.
Ang pang-apat na litrato ay si Blake habang nasa harapan ng gymnasium at mukhang naglalakad dahil sa labo ng kuha. Halatang malayo rin ang kuha ng litrato dahil sa pangit ng anggulo nito ngunit kitang-kita ang hawak niyang pulang lubid—kapareho ng lubid na ginamit sa pagbibigti ni Hanako.
At ang panglimang litrato ay ako. Ang litrato sa akin ay naglalaman ng dalawang litrato na pinagdikit lamang. Ang isa ay hawak ko ang kamay ni Hanako at ang pangalawa ay yakap-yakap ko siya. Napapikit ako ng ilang segundo ng muli kong naalala iyong sandaling 'yon.
Ang nilalaman naman ng ikaanim na litrato ay isang malaking pangungusap lamang, narinig kong pagbasa ng isa naming kaklase sa nilalaman ng pang-anim na litrato, "Isa o wala sa mga litratong iyon ang isa o dalawa sa mga wolves. Nasa inyo na kung sino ang paniniwalaan nyong inosente. –Mr Laketon."
Agad ko namang nakita ang pagpunta sa harapan ni Abigail at pagpunit niya sa litrato niyang kasama si Sir Buendia, "Wag nyong sabihing maniniwala na naman kayo sa mga ganyan?!" sigaw pa niya sa lahat.
Nanahimik ang lahat. Nagsi-atrasan ang karamihan habang nakatingin pa rin sa mga litrato. Isang nakakaabalang katahimikan ang tugon ng lahat. Kinakabahan ako, oo. Sa mga litratong binigay ni Mr. Laketon, mukhang mahihirapan ang lahat.
"Bakit hindi kami maniniwala? Hindi nagsisinungaling ang mga litrato! Kayo yan diba? Mukhang isa lang naman sa mga taong nandyan ang isa sa mga kalaban," sabi ng isa.
"Kailangan ma-eliminate ang wolves para mabuhay tayo. Ibig sabihin, dapat may mamatay sa inyo. Hindi. Mas maganda kung kayong lahat mamatay. Bakit hindi na lang natin patayin lahat para sigurado?" sabi pa ng isa.
BINABASA MO ANG
Class 3-C Has A Secret 2 | completed
Mystery / Thriller"Because some secrets ... just might kill you." ••• Date started: January 29, 2013 Date finished: June 22, 2014 Wag basahin kung hindi pa nababasa ang buong book 1. (If sa napublish na, volume 1 at volume 2 ang makakacomplete ng story). Iba rin ang...