"To betray you must first belong." ― Harold Philby
--------------------------------------------x
ABIGAIL'S POV
BINITAWAN NIYA ANG KAMAY KO nang pagkasarado niya ng pintuan. Napakadilim sa kinalalagyan namin. Nanatili akong nakatayo sa kinatatayuan ko at pinapakiramdaman lamang ang taong humatak sa akin. Sigurado akong kamay ng lalaki iyon.
Naramdaman kong gumalaw siya.
"Sino ka?" sabi ko habang hinahabol ang hininga ko. Hindi pa rin nawawala ang epekto ng lecheng allergy ko.
Hindi siya nagsalita at ilang sandali ay naramdaman ko na naman ang paggalaw niya. Mas lalong bumigat ang nararamdaman ko dahil sa kaba. Sigurado akong hindi siya kakampi.
"Sino ka ba kasi?!" pasigaw kong tanong.
Ngunit imbis na magsalita ay napatingin ako sa kabilang dulo ng kinalalagyan ko dahil sa biglaang paghawi ng kurtina ng isang bintana. Nagkaroon na ng liwanag.
At nakita ko siya. Nakatayo sa harapan ko. Hawak-hawak ang maskara niya.
Si Sir Buendia.
Lumapit siya sa akin. Palapit nang palapit habang ako ay umaatras. Natatakot ako. Baka ... baka ... patayin niya ko. Nang naramdaman ko na ang malamig na pader sa likuran ko ay pinabayaan ko na siyang makalapit sa akin. Iniyuko ko patagilid ang ulo ko para maiwasan ang mga mata niya. Hanggang sa ilang sandali ay may tinanggal lang siya sa may braso ko.
Paanong may nakadikit na glow in the dark na sticker sa akin? Maaring may nagdikit sakin nito habang nagtatakbuhan ang lahat. Ngayon, alam ko na kung bakit niya kayang-kaya akong hatakin kahit na madilim 'nun. Ngunit ang tanong, bakit nga ba ko hinatak nito?
"Anong balak mong gawin sakin?"
Tumingin siya muli sa akin pagkatapos niyang itapon ang kinuha niyang sticker.
"Hindi ba halata? Ililigtas kita."
Ayoko sanang maniwala kaso parang kusang lumambot ang pakiramdam ko ... kusang umamo ang mga mata ko.
"T-Talaga?"
Lumapit siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero ang alam ko kahit isang katiting na gusto, wala na kong nararamdaman sa teacher na 'to. Yun ang alam ko.
Naramdaman ko na lang na idinikit ni Sir Buendia ang bibig niya sa may tainga ko.
"Naniwala ka naman?"
At sa pagkasabi niya 'nun, napaupo ako. Ramdam ko ang paglambot ng mga tuhod ko. Kung ganun nga, katapusan ko na.
"Alam mo ba kung bakit hindi ko pinapansin lahat ng pagpapansin-pansin mo sa akin noon?"
Tumango ako saka nagsalita, "Oo, dahil si Hanako lang ang iniisip mo."
Narinig ko siyang tumawa nang tumawa. Ito ang unang beses na narinig kong tumawa siya nang ganun. Na para bang sobrang nakakatawa ng sinabi ko. Na para bang may mali sa sinabi ko. Napatingin ako sa kanya. Nakakatakot pala ang ngisi niya. Parang hindi siya 'yung mabait na teacher na nakilala ko—yung teacher na nakangiti sa bawat estudyante at malambing magsalita.
Ngunit ano pa nga ba ang pinagtataka ko? Bilang lang naman ang totoo sa Laketon Academy.
"Yan ba talaga ang iniisip mo? Na ganun ang tingin ko kay Hanako?" nakangisi pa niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Class 3-C Has A Secret 2 | completed
Mystery / Thriller"Because some secrets ... just might kill you." ••• Date started: January 29, 2013 Date finished: June 22, 2014 Wag basahin kung hindi pa nababasa ang buong book 1. (If sa napublish na, volume 1 at volume 2 ang makakacomplete ng story). Iba rin ang...