C36: The white rabbit.

122K 2.2K 805
                                    

"There will be killing till the score is paid." —Homer, The Odyssey

--------------------------------------------x

SANDRIA'S POV

 

NAGPAALAM ako kala Clyde at Abi sa pag-alis nila ng school. Nitong mga nakaraan na araw, mas napapadalas ang pakikipag-usap ko sa kanila at masasabi ko na hindi naman pala ganun kasama si Abi tulad ng pagkakaalam ko. Siguro ganun lang talaga siya, minsan masyadong maingay at mareklamo.

Napalingon ako at nakita ko sa gilid si Raphael at Spade na seryosong nag-uusap. Namataan ko rin ang hawak hawak ni Raphael na litrato. Napatingin sa akin si Raphael at iyon ang naging dahilan ng paglapit ko sa kanila.

Wala.

Gusto ko lang malaman ang pinag-uusapan nila.

"Hindi pa ba kayo uuwi?"

Hindi ko maipaliwanag ang mukha nilang dalawa noong nagsalita ako. Parehong kakaiba ang reaksyon nila.

Mukha silang nagulat at kinabahan sa kung ano man.

"Ano yan?" tanong ko kay Raphael habang nakatingin sa hawak niyang litrato.

Sa kinatatayuan ko, ang tangi ko lang nakikita doon ay tatlong bata. Lumapit pa ako ngunit humarang sa harapan ko si Spade. Kumunot ang noo ko sa mga pinaggagagawa nila. Ano ba talaga ang nasa picture na iyan? 

"Uuwi na ko Sandria. Sabay na tayo."

Bago pa ako makatugon ay hinawakan na ko sa braso ni Spade at nagsimula na kaming maglakad palabas ng Laketon.

Habang naglalakad kami, hindi ko pa rin maintindihan ang nangyayari. Pilit kong tinatanong si Spade pero iniiwas naman niya doon ang topic. Ayaw ko ng ganito. Ayaw ko na may alam akong tinatago ang iba sa akin. Gusto ko alam ko ang lahat. Dahil sa nainis na ko kaya hindi ko na ulit kinulit si Spade patungkol sa tinatago nila sa akin.

"Bakit ka nga pala nakatira mag-isa? Nasaan ang parents mo?" tanong ko sa kanya nang naalala ko ang pagbanggit niya sa apartment na inuupahan niya malapit sa school.

"Naglayas kasi ako," simple niyang sagot.

Napakunot ang noo ko habang naglalakad kami.

Naglayas siya? Eh paano ang gastusin niya? Paano ang baon sa araw-araw? Pati ang tuition?

Gusto ko sanang tanungin kay Spade ang mga iyon ngunit nagmumukha na akong tsismosa. Tumingin na lang ako nang deretso sa dinaraanan namin. Mukhang malapit na kami sa sinasabi niyang apartment niya. Magpapatuloy sana kami sa paglalakad ngunit biglang siyang tumigil at nagsalita.

"Sandria, may itatanong ako sayo," seryosong pagkakasabi niya.

Napalingon lang ako sa kanya at hinihintay ang mga katagang manggagaling sa kanya.

"Ano naman iyon?" tanong ko.

"Paano kung iyong tatay mo may pinapagawa sayong bagay, gagawin mo ba? At sinundan pa iyon ng isa pang pabor galing sa isang tao na halos makalimutan mo na ngunit malaki ang parte sa buhay mo? Gagawin mo ba ang gusto nila? Kahit masama?"

Ilang minuto akong napatigil dahil sa pag-iisip sa tanong niya.

Tila ba hindi makuha ng utak ko ang pinupunto niya. Ano bang dapat kong sabihin? Mukhang kanina pa siya binabagabag ng kung ano mang iyon sa utak niya.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon