C38: Kill the Pillar.

103K 1.9K 179
                                    


"The real evil is the power to kill people. Someone who finds himself with that power is cursed. No matter how you use it, anything obtained by killing people can never bring true happiness." 
― 
Tsugumi Ohba, Death Note, Vol. 3: Hard Run

--------------------------------------------x

MURDERER'S POV


"MAMAMATAY si Miaka?!" pasigaw na sambit ni Aislinn habang hawak-hawak ang isang baso na puno pa ng juice na kabibigay ko lang sa kanya.


Tumango ako bilang tugon sa tanong niya.


"May iininom siyang gamot. Ang sabi sa kanya, pampatanggal ito ng sakit sa tuwing nakakaramdam siya," napatingin ako sa pader upang maiwasan tignan ang nanlalaki at naluluhang mata ni Aislinn. Hindi ko naman alam na maiiyak siya sa ganitong usapan lamang.

 

"Pero sa totoo lang, drugs yun. Wala akong ideya kung anong drugs o kung ano nagagawa nito basta ang alam ko, hindi mabuti sa katawan ni Miaka," napatingin muli ako sa kanya, "Hindi ko alam kung alam niya pero kung alam niya, bakit pa niya iniinom diba?"


Napayuko si Aislinn, "Baka gusto na rin niyang mamatay kaya iniinom pa rin niya?"


Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay tama ang sinabi niya ngunit nakita ko ang sarili ko na tumango bilang pang-sang-ayon sa kanya. Tumayo ako at pumwesto sa gilid ng pintuan.


"Kailan ba natin isasagawa na plano?" bigla niyang tanong.


Muli akong napatingin kay Aislinn, ngumiti ako at kalmadong sumagot, "Titignan ko pa. Medyo magulo."


Ngumiti siya sa akin bilang pagtugon saka naman ako lumabas ng bodega bago i-lock 'yun. Habang naglalakad-lakad ay muli kong naalala ang alok niya noon. Ang pakikipagtulungan. Laban kay Miaka, Austin at sa lalaking 'yun. Hindi ko tinanggap kahit na alam kong matutulungan nga niya talaga ako.


Hindi ko kayang magtiwala sa kanya.

Hindi ko kayang sumugal.


Dumiretso ako sa kwarto upang magpahinga. Naging gawain ko na ito araw-araw. Ang dumiretso sa bodega bago gawin ang lahat ng gawain ko. Umupo ako sa kama at bigla akong napabuntong-hininga. Magtatagumpay ako, alam ko.


Matitigil na siguro ang lahat ng ito. Kailangan ko lang maghintay ng tamang pagkakataon para sa lahat. Siya lang at si Miaka ang nakakaalam ng mga plano ko ... ng tinatago kong ahenda. At kung may plano man siya na salungatin ang lahat ng ito dahil sa tinanggihan ko siya ay dapat ko na siyang unahan. Ayokong matalo. Alam kong gagawa siya ng paraan.


Bigla kong naramdaman ang pagvibrate ng phone ko. Napangiti ako sa nakita kong mensahe. Psh galit na naman siya. Ano pa nga ba ang bago?


Ngunit ang sunod na pagvibrate ang kinagulat ko sa lahat. Isang mensahe galing sa kanya.


Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon