C9: Dreadful past.

170K 2.8K 745
                                    


 "Two can keep a secret if... one of them is dead. — Pretty Little Liars (le theme song)"

--------------------------------------------x

 

RAPHAEL'S POV


MEDYO dumidilim na at hindi pa rin ako nakakauwi. Dumaan muna ako sa isang kumare ni nanay, kinuha ko ang ulam na pinaluto ng kapatid ko, may sakit kasi si nanay ngayon. Pagkaabot na pagkaabot ng tupperware na ang laman ay pesang bisugo ay iniligay ko ito agad sa loob ng bag ko saka nagpasalamat bago umangkas sa bisikleta. Napatingin muli ako sa likuran ko, sinusundan pa rin pala niya ako.                              

Binilisan ko ang pagbibisikleta upang hindi niya ako masundan. Napangisi na lang ako nang hindi niya ako naabutan. Siguro naman hindi na siya pupunta hanggang sa bahay? Dumaan ako sa masikip na daan papunta sa pinakaloob ng eskinita. Madaming bata na hubo't hubad at madudungis na naglalaro sa gilid ng daan. Napadaan din ako sa grupo ng  ilang babae na walang sawa na nakikipag-chismisan. Napatingin silang lahat sa akin. Alam na alam nila.

Isa akong mahirap na nag-aaral sa Laketon Academy, ang eskwelahan para sa mayayaman. Kitang kita ko ang inggit sa mga mata nila. Wala na kong magagawa. Hindi ko na problema ang mga naiisip nila, ang dapat kong problemahin ay kung paano ko maiiraos ang araw-araw naming pagkain.

"Nay, nandito na po." Agad akong dumiretso kay nanay na nakaupo sa kawayan naming silya. Nagmano ako sa kanya at inilabas ang ulam sa bag ko. "Nakuha ko na po yung ulam kay ate Esther, kamusta na po kayo?" hinaplos-haplos ko ang mukha ni nanay upang tignan kung mainit pa siya. Napangiti ako nang nalaman kong bumaba ang lagnat niya. "Kain na po tayo 'nay."

"Sige mauna ka na anak. Hintayin ko lang ang kapatid mo at hindi pa rin nakakauwi ang batang iyon." Tumango lang ako saka dumiretso sa maliit naming kusina. Nakita kong hindi pa nahuhugasan ang mga plato kaya nagmadali akong hubarin ang polo ko upang simulan na ang gawaing bahay. Mag-aaral pa ako mamaya at maaga pa ang gising ko upang pumunta sa palengke. Hinanda ko na rin ang pagkain sa mesa. Mabuti na lang ay may nagsaing na kung hindi mas matatagalan ang paghahanda ko.

"Nay, mano po." Tinignan ko lang si Gabriel nang pumasok siya at nagmano kay nanay. Napapikit ako upang pigilan ang galit ko. Pagkatapos kong kumain ay agad ko siyang pinuntahan sa kwarto.

"Oh kuya, nandiyan ka pala." Bati niya sa akin.

"Saan ka galing?" tuloy tuloy kong sinabi sa kanya.

"Sa eskwelahan. Saan pa ba?" agad siyang umiwas ng tingin at inayos ang suot niyang kamiseta.  "Wag mo kong gaguhin. Saan ka galing?" muli kong tanong sa kanya. Dahil sa labis na galit ay marahas ko siyang hinawakan sa may kuwelyo ng kamisetang suot niya. "Ano ba kuya! Wala kang pakialam kung saan ako galing. Hindi ikaw si nanay!"

Mas lalo kong naramdaman ang inis at galit. Hindi ko maintindihan ang kapatid ko. Mahirap na nga kami, ganito pa ang ginagawa niya?! "Akala mo hindi ko alam? Anong bang natututunan mo diyan sa pagbi-billiard na yan ha? At pati yung mga klase mo hindi mo pinapasukan?" Hindi ko sinasadyang maitulak siya. Tinignan niya ako na para bang ang sama sama kong kuya. "Gabriel naman! Hindi ako nagpapakahirap para sayangin mo lang ang pera na binibigay ko. Buti nga may naaawa pa sa atin eh. Buti na lang—" bigla akong napatigil nang ngumisi siya.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon