EPILOGUE

106K 2.8K 1.6K
                                    




"There is no real ending. It's just the place where you stop the story." ― Frank Herbert

--------------------------------------------x

SPADE'S POV

INILAPAG KO ANG DALA KONG mga puting bulaklak at nagdasal. Bumuntong hininga saka tumayo. Pangatlong beses ko nang pumunta rito sa linggong ito at kahit ilang buwan na ang nakakaraan mula noon, hindi ko pa rin ito makalimutan.

Tinignan ko ang lapida.

MIAKA FRANCES LOPEZ

Katabi ng lapida niya ang lapida ni Hanako. Nakuha naman ang bangkay ni Hanako sa bahay nila Blake. Ang sabi niya'y, inilibing niya ang bangkay ni Hanako sa likuran nila mula noong bigla na lang niya itong nakita sa tapat ng kanilang bahay na mukhang si Samantha rin naman ay ang may gawa.

Kaming mga natira naman ay nagkanya-kanya na. Biglang nawala si Andy, si Blake naman ay umalis ng bansa dahil din sa utos ng isa sa mga kamag-anak niya, si Sapphire naman ay nasa puder ng kanyang nanay — doon din ako nakatira sa kanila, si Abigail ay dinala sa malayo ng kanyang magulang para raw makalimot kahit papano at si Raphael ay bumalik sa kanyang pamilya.

At sa ilang buwan na nagdaan na iyon, naipasara ang Laketon Academy dahil rin sa pinagpyestahan ng halos lahat ng tao ang balita tungkol sa pamilya ng umampon sa akin, nagsara na rin ang iba pa nilang negosyo sa buong Asya. Isang malaking kahihiyan sa pamilya ang paglabas ng matagal na nilang ginagawa sa loob ng kanilang eskwelahan. Ngunit patuloy pa rin iniimbistigahan ang Laketon Academy pati na rin ang lahat ng nangyari.

May ibinigay rin na susi si Sapphire sa mga pulis na nagbukas sa isang sikretong basement sa high school building, maraming nagtagpuan na bangkay roon, marami rin daw na nakasabit na manikang gawa sa tagpi-tagping tela at kulay pula raw ang dingding ng nasabing kwarto. Katulad ng pagkakita rito, nakita rin ang iba pang sikretong kwarto sa iba pang building. Maski sa gymnasium ay mayroon din. Balak atang gawing lungga ng mga mamamatay-tao ang eskwelahang iyon. Tss.

Sa tagal ng takbo ng kaso, may mararating kaya ito? Malakas ang lahat ng ebidensiya. Ang mga statement namin patungkol sa lahat ng nangyari, ang mga nakita mismo nila sa loob ng Laketon Academy, ang pilas na pahina na iyon pati na rin ang statement ng mga magulang patungkol sa pagtataka nila mula pa noon sa eskwelahan. Ni hindi sila makapagbigay ng ebidensiya na makakapagpalinis sa pangalan nila. Bakit parang mas tumatagal pa ang proseso ng kaso?

Mabibigyan naman kaya ng hustisya ang lahat ng namatay? Ang buhay ng mga kaklase namin, ng ibang guro na nadamay, at sa mga magulang na hanggang ngayon ay nagtatanong kung nasaan ang mga anak nila.

Mula pa noon, ang tangi lang nilang inakala ay isang serial killer, katulad noon sa last batch, na nambibiktima sa mga estudyante ng mahahaling eskwelahan lamang ang may gawa ng lahat ng iyon. Maraming namatay at marami pang mga katawan na nawawala at pilit na hinahanap ng mga magulang nila. Tambak-tambak na kaso ang kinahaharap ng Laketon lalo na't dumagdag ang mga magulang sa pagsampa sa kanila ng kaso... pero may laban pa kaya ang lahat ng ito?

Isa rin sa nabalitaan ko na, noong inimbestigahan nila ang bahay ng pamilya ni Samantha ay nakita raw ang iba't-ibang parte ng katawan ng iba't-ibang tao sa loob ng cabinet niya. Sabi ng mga katulong, tinatawag raw ni Samantha iyon na koleksyon niya at pinagbabawal silang pumasok sa loob ng kanyang kwarto ngunit matagal na raw nilang napapansin na may kakaibang amoy sa loob ng kwarto ng kanilang amo. Matagal nang patay ang kanyang nanay at ang tatay naman niya ay walang pakialam sa kanyang anak.

Nakita rin ang bangkay ni Mr. Laketon sa isa sa mga pagmamay-ari niyang bahay. Ang sabi raw ay nakita sa autopsy na may kung anong gamot na nagparalisa sa lahat ng muscle sa katawan niya, pati rin sa mga organs niya at iyon ang dahilan ng pagkamatay niya. May kung ano rin daw na kakaibang amoy sa kwartong kinalalagyan niya ngunit bukod doon ay wala na kong balita sa tungkol sa pagkamatay niya.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon