"You cannot take a person's humanity and then retain your own" —Amy Lane, Truth in the dark.
--------------------------------------------x
LUNA'S POV
UMUULAN.
Kung ako siguro ang dating Luna, paniguradong hanggang tainga ang ngiti ko. Ulan. Isa sa mga bagay na labis kong ikinatutuwa. Sa bawat patak, lubos akong nagpapasalamat. Hindi ko rin alam kung bakit labis akong natutuwa sa tuwing umuulan. Maaring dahil ito sa nanyari noong gabing iyon. Ulan ang tanging saksi at sa pagtigil nito, ginhawa ang naramdaman ko.
Ulan ang saksi sa pinakamadilim kong sikreto.
Napapikit ako bago humakbang palabas ng classroom. Pinauna ko muna ang mga nagmamadaling mga kaklase ko. Ayaw ko lang makigulo sa paglabas, nakakairita. Pagkababa ko ng high school building ay agad kong inilabas ang payong sa loob ng bag ko. Bubuksan ko na sana ito at magsisimulang maglakad palayo nang biglaang may kumalabit sa akin.
Lumingon ako sa ngiting aso na si Spade.
"Oh?" iritang tanong ko sa kanya. Ang ayoko sa lahat ay yung ginugulat ako. Nakakainis na nga ang mukha niya pati ang ugali niya, lagi pa niyang ginagawa lahat ng kinaiinisan ko. Walang magawang matino sa buhay niya.
"Pasukob naman sa payong mo. Wala akong dala eh. Malapit lang naman yung tinitirahan kong apartment. Diyan lang sa kanto." Tuloy-tuloy niyang sinabi.
"Ayoko. Sumugod ka sa ulan kung gusto mo, sa tingin mo may pakialam ako?" aalis na sana ako nang bigla niyang kinuha ang payong na hawak ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Sukob tayo ha? Ayaw mo nun baka mahawa ka sa kaastigan ko?" nakangiti pa niyang sinabi na mas nagpainis sa akin. Sinubukan kong hablutin ang payong ngunit mas mataas si Spade sa akin. Ilang beses kong sinubukan muling kuhanin ang payong ngunit hindi ko talaga makuha.
Bwisit. Nakakabwisit talaga.
Wala na kong nagawa kundi pumayag. Tahimik kaming naglalakad. Wag siyang magtangkang magsalita, makakatikim siya sa akin. Ayaw ko man, dapat magkadikit kami ngayon. Hindi ko maipaliwanag ang inis na nararamdaman ko. Bwisit talaga tong lalaking to. Pagkalabas namin ng main gate, bahagyang humina ang ulan. Lumayo ako ng kaunti kay Spade kasi naiirita na talaga ako. Nagpipigil lang ako ng inis dahil sa umuulan ngayon. Dapat kalmado ako kung tignan.
Muli akong nagulat nang ipinalibot niya ang kamay niya sa balikat ko at muling hinatak papalapit sa kanya. Agad ko naman itong inalis at tsaka tumingin nang masama sa kanya.
"Wag na wag mo akong hahawakan. Tanga ka." Ang tangi kong sinabi.
"Tss. Mas tanga ka, mababasa ka pag lumayo ka sa akin. Di bale, diyan lang naman ako sa kanto." Sa pagkakaalala ko, sinabi niya na nakatira siya sa isang apartment kanina. Kasama ba niya dun ang pamilya niya? Pero ano nga ba ang paki ko? Kinuha niya ang payong ko, ang gusto ko lang ay mabalik ito.
Tahimik ulit kaming naglakad.
Habang tumatawid, muli kong naalala ang mga nakita namin sa lumang library. Yung libro, yung year book pati na rin ang teacher Yuko na sinasabi ni Sandria. Masyadong magulo ang eskwelahan na ito. Kung ano man ang nasa librong iyon, sigurado talaga ako---siguradong sigurado na makakatulong sa akin ang lahat.
Kaunting tiis lang Luna, makakalabas ka nang buhay.
"Si Luna the killer yun diba?"
BINABASA MO ANG
Class 3-C Has A Secret 2 | completed
Mystery / Thriller"Because some secrets ... just might kill you." ••• Date started: January 29, 2013 Date finished: June 22, 2014 Wag basahin kung hindi pa nababasa ang buong book 1. (If sa napublish na, volume 1 at volume 2 ang makakacomplete ng story). Iba rin ang...