"Malayo pa ang lalakbayin natin, Hanako."
--------------------------------------------x
Inaayos ko ang buhok sa harap ng salamin habang nakaupo. Hawak ko ang suklay at nakatingin lang nang deretso sa repleksyon ko sa salamin. Itinagilid ko ang ulo ko at bahagyang iniharap ko ang batok. Inayos ko ang buhok ko palipat sa kabila parte ng leeg ko upang mas makita ko ang mark. Ang marka ng pagkakapaso sa krus na bakal na iyon.
Ito ang simbolo ng grupo namin, ang mga bagong wolves.
Naalala ko pa ang araw na idinikit ang bagay na iyon sa balat ko. Ang napakainit na bakal na pakiramdam ko'y magiging dahilan ng pagkalapnos ng balat ko.
Iyon ang araw na kinausap ako ni Samantha, noong araw na napakadaming nangyari at halos hindi ko na kayanin pa. Malapit ng matapos ang pangalawang taon namin ng high school 'nun, nilapitan ako ni Samantha habang umiiyak sa c.r. May mga binanggit siyang mga bagay, binanggit niya ang nakaraan ng Laketon Academy, binanggit niya ang mga pinaggagagawa sa akin ng lahat ng tao rito at binanggit niya ang tungkol sa naiisip niyang plano.
Wala sa akin ang bakal na krus na ngayon, mukhang naiwan ko ito noong kinausap ako ni Katherine sa classroom noong araw na iyon. Emosyonal ako 'nun, tuliro at punong-puno ng galit. Kaya siguro pumayag ako sa plano, kaya siguro kahit na si Samantha at Miaka lang ang alam kong kasali sa plano ay pumayag ako na maging pinuno nila.
Mabait sa akin si Samantha mula pa noon kaya talagang nagtitiwala ako sa kanya. Bukod kay Miaka, Blake at Aislinn, si Samantha lang ang naging mabuti sa akin.
Ngunit ngayo'y nagdadalawang-isip na ako. Iuurong ko na ang lahat. Ayaw ko nang ipagpatuloy ang naiisip nila. Ayokong na pala ng ganitong klaseng paghihiganti.
Tumayo ako sa kinauupuan ko ang kinuha ang kapirasong papel na sinulatan ko kagabi. Binasa ko muli ang nakasulat.
He lies, She died, He yearns and She remembers.
Pinasulat ito sa akin ni Samantha, ni hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya doon. Magagamit daw namin ito. Tinanong ko kung sino ako sa apat na iyan, ngunit ngumiti lang siya at sinabing wag ko na raw problemahin kung sino ako sa mga iyan, malalaman ko rin naman.
Kinuha ko ang bag ko na nakapatong sa kama at inilagay ang pirasong papel na iyon doon. Unang araw ng klase ngayon, kailangan maaga palang ay nandoon na ako. Lalo na't si Miaka ay nasa Room-101A sa mga oras na ito. Mukhang kanina pa siyang madaling-araw doon, hinihintay niya ang pagbukas ng school at kami rin.
Unang beses kong makikita ngayon kung sinu-sino ang kasama sa grupo at ito na rin ang huling beses dahil iuurong ko na talaga ang lahat. Hindi ito ang dapat gawin, hindi ito ang tamang solusyon.
Bago lumabas ng kwarto ay namataan ko ang piguring cherubin na nakapatong sa sa pinakagilid ng bookshelf ko. Ito ang binigay sa aming tatlo nila Francis at Miaka noong unang pagbisita ni Mr. Laketon sa ampunan na kinalagyan namin. At sa panglawang pagbisita niya, tuluyan na niyang kinuha si Francis sa amin.
Ang sabi niya, babalik siya ngunit kahit kailan ay hindi na bumalik si Francis. Naghintay lang kami sa wala ni Miaka. Nakakasawa na. Nakakainis na silang lahat.
Nang napatingin muli ako sa pigurin, naalala ko kung paano binasag ni Celina sa mismong harapan ni Miaka ang pigurin na lagi niyang dala kahit na nasa eskwelahan kami. Naalala ko ang pagdikit ni Miaka sa bawat basag na parte ng pigurin, na para bang may pag-asa pa siya sa pagkakaibigan naming tatlo nila Francis.
Dahil para kay Miaka, ang pagkakaibigan naming tatlo ang buhay niya.
Binati ako ng ibang katulong nang lumabas ako habang ang iba naman na kapanig nila Sapphire at ang kanyang nanay ay inirapan ako. Sanay na ako, hindi naman lahat ng tao ay magugustuhan ako at kung ano man ang papel ko sa bahay ng mga Garcia.
BINABASA MO ANG
Class 3-C Has A Secret 2 | completed
Misterio / Suspenso"Because some secrets ... just might kill you." ••• Date started: January 29, 2013 Date finished: June 22, 2014 Wag basahin kung hindi pa nababasa ang buong book 1. (If sa napublish na, volume 1 at volume 2 ang makakacomplete ng story). Iba rin ang...