C27: The first weakest rabbit.

143K 2.4K 792
                                    


"Her only way home was to betray her friend." ― Scott Westerfeld, Uglies.


--------------------------------------------x

RAPHAEL'S POV


"BAKIT pinabayaan mo lang na ganunin sila Cyrus at Sapphire kanina?" tumingin ako kay Sandria ng tinanong niya iyon. Bago pa man ako makatugon ay nagtanong na naman siya. "Hindi ba, hindi ka naniniwala na si Cyrus ang killer? Pinagtanggol mo pa nga siya kay Samantha hindi ba? Bukod kay Sapphire, ikaw ang isa sa sinusunod ng karamihan sa klase. Bakit ka lang tumunganga dun?"


Mukhang naiinis siya. Hindi ko naman masisisi si Sandria. Hindi naman talaga tama ang mga nangyari pero ano nga bang magagawa ko? Wala rin naman eh. Bago pa manyari ang lahat ng iyon, sinubukan ko na silang pakalmahin ngunit paniwalang-paniwala talaga sila sa natanggap nilang mensahe lalo na sa mga pinagsasabi at kinukwento ni Austin kanina. Hindi ko akalain na magkakaganito. Kaya bago pa ako madamay, mas mabuti na tumahimik na lang ako kanina.


Inisip ko nang mabuti ang lahat ng nanyari, lahat ng nasabi nila at ang maaring o possibleng manyari. Mukhang lalong gumugulo. Baka bukas o makalawa, kami-kami na rin ang magpatayan. Hindi pwede yun. Natapos yung nangyari kanina sa pag-iyak ni Sapphire. Hindi ko siya masisisi. Kung ako rin ang nasa kalagayan niya, hindi ko rin alam ang paniniwalaan ko. Ang sinasabi ba ng iba o ang mga sinabi nga kaibigan niya?


Gusto lang namin na protektahan siya lalo na ang sikreto niya ... ang sikreto ng klase.


"Hindi mo ba talaga sasagutin ang mga tanong ko?" matigas na pagkakasabi ni Sandria na nagpabalik naman sa akin sa realidad, masyadong lumilipad ang isipan ko. Lumingon ako sa kanya. Nandito kami ngayon sa bagong library, ilang oras na rin ang nakalipas matapos ang nangyari. Umuwi si Sapphire kasama ni Clyde at si Cyrus naman ay umuwi mag-isa ngunit alam kong hindi pa rin doon magtatapos ang lahat.


Kailangan kong umisip ng paraan.

 

"Sandria, magtiwala ka lang. Hindi ako kumibo kanina dahil mas lalong gugulo lang. Nakita mo naman diba? Mas lalo silang nagalit noong nagsalita si Abi. Mas lalong gumulo lalo na't nalaman ni Sapphire ang tungkol kay Miaka." Nakita ko pumaibaba ang tingin ni Sandria nang narinig niya ang pangalan ni Miaka.


"Si Miaka.." sambit pa niya. "Akala ko nakalimutan na natin siya, akala ko lang pala." Para ba siyang nalungkot.


Napabuntong hininga naman ako bago muling nagsalita. "Malaki siyang parte ng klase. Kahit na naging importante lang siya noong namatay siya." Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Sandria na para bang may nasabi akong hindi dapat sabihin. "Anong problema?" tanong ko sa kanya. Umiling lang siya at tumayo.


"M-Mauna na ko. Baka nagsisimula na ang susunod na klase." Tumango lang ako sa kanya at ngumiti. Mukhang nataranta siya.


Bakit naman kaya?


"Eh sino naman yang si Miaka?" napalingon ako ng narinig ko ang boses ni Spade, isa naming kaklase. Nasa may pinakadulo siya at sa kinauupuan ko, ang tangi ko lang nakikita ay ang nakalawit niyang mga paa. Hindi ko akalain na may iba palang tao rito. "Hindi ako bingi, at tsaka malakas ang boses nyo. Nagising nyo nga ako eh." Tumayo siya sa pagkakahiga at lumapit sa akin. Gulo-gulo pa ang buhok niya habang nakasimangot sa akin. "So, sino nga si Miaka?" tanong niya ulit. Mukhang wala siya kanina noong nagkabistuhan kanina sa classroom.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon