C20: Rules of the jungle.

146K 2.5K 805
                                    


"Revenge is the key. Death is the punishment."

--------------------------------------------x

SAPPHIRE'S POV

 

NATAHIMIK ang lahat ng binuksan ko ang unang pahina. Ganyan din ang reaksyon ko ng una ko yung nakita. Ramdam ko pa rin ang kilabot na nadarama ko habang naalala ko lahat ng nakita at nabasa ko sa librong ito. Alam ko na kung bakit para bang ibang-iba ang trato ng lahat sa 3-C. Alam ko na kung bakit isang malaking suicide para sa mga taga-A at taga-B na section ang pagkapasok sa section na ito.


'Eliminate the weaklings'


Napakasama niya. Napakasama ni Mr. Laketon. Kung may isang tao na hindi dapat pagkatiwalaan sa buong eskwelahan na ito... hindi ko akalain na siya yon. Ang taas ng tingin ko sa kanya dati pero ng nalaman ko ang lahat ng ito... para bang lumagapak sa baba ang respeto ko sa kanya.


Dahan-dahan kong ibinuka ang bibig ko kahit nahihirapan ako. Tumingin ako sa buong klase. "Nakalagay sa librong ito na dalawa ang author. Isa si Mr. Laketon at kung sino pa ang isa ay hindi na nabanggit dito." Mas lalong lumapit ang lahat. Muli akong nagsalita. Kinakabahan ako sa di ko malaman na dahilan. Anong magiging reaksyon ng lahat kapag nalaman nila ang nakaraan ng Laketon? Kapag nalaman nila ang sikreto ng Laketon? "Hindi ko alam kung may nakakaalam ng tungkol sa lahat ng ito. Masyadong matagal mula noong nasulat ang librong ito at sigurado ako na matagal na ring natapos ang kung ano man ang nasa loob nito." Gusto ko man sabihin, hindi ko magawa. Alam kong kakabahan lang sila kung sasabihin kong ibang laro na ang nilalaro namin.


Binuklat ko ang pangalawang pahina ng libro hanggang sa makita nila ang iba't-ibang class picture mula sa kalagitnaan ng 1970s hanggang sa 1990s. Ilang pahina rin ang nabuklat ko na ang tanging laman ay mga class picture na black and white. May kahabaan ang palda noon at ang karamihan sa mga babae'y nakatirintas ang mga buhok habang ang mga lalaki naman ay maayos na maayos ang pagkakahawi ng kanilang buhok na para bang iisa lang ang ayos ng lahat. Karamihan sa mga litrato ay wala akong nakitang nakangiti. Lahat ng class picture na iyon ay tanging mga section C lang.


Kung titignan mo, mukha lamang year book ang libro na ito ngunit natulala at tila ba'y naubusan ng paghinga ang lahat nang inilipat ko muli ang mga pahina.


Natahimik at natigil ang pagkomento ng karamihan.


Pareho lang naman na mga class pictures ang nandirito. Mga parehong klase na nakita namin sa mga naunang pahina ngunit may pagkakaiba... malaking pagkakaiba. Ilan sa mga estudyante na nasa class picture ngayon ay nakasuot ng malalaking maskara na kung titignan ay para bang ulo ng mascot, malaki at mukhang totoo. Ngunit nakakakilabot na kuneho pa ang ginamit ng mga ito. Nakakadagdag din sa kilabot ang pagka-negative ng bawat litrato. Kung malapit na ang mga kaklase ko kanina ay mas lalo silang lumapit upang titigan nang maayos ang bawat litrato.

 

"Ang creepy naman, kulay red pa ang mga mata ng mga kuneho na yan!" pag-iinarte ng isa.


Siguro sa isang klase, apat hanggang anim ang mayroong suot na ganun. Isa ring pinagkaiba ay ang lahat ng estudyante dito, maliban sa mga nakatakip ang mukha, ay nakangiti. Kitang-kita mo sa kanila ang malapad nilang mga ngiti na tila ba'y may kung anong sobrang nakakatuwa sa harapan nilang lahat.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon