C14: Nostalgia.

144K 3.2K 748
                                    


"Death, in itself, is nothing; but we fear

To be we know not what, we know not where." 

—John Dryden, Aureng-Zebe

 

--------------------------------------------x

MURDERER'S POV


"SA tingin nyo, nasaan na yung krus?" napalingon ako sa kanya nang nagsalita siya. Awtomatikong pumorma ang isang ngisi sa mga labi ko. Ganun ba nila pinapahalagahan ang simpleng bakal na iyon? Masyado silang isip-bata. Isang simbolo para sa grupo na ito?

Sino bang inuuto nila?

Tumayo ako sa kinauupuan ko at sumilip sa bintana. Nagmistulang kulungan ko ang maliit na bahay na ito ng ilang taon. Hindi naman nila ako kailangan kaya bakit isasama pa nila ako sa kanila? Isang anak, tinapon ng magulang. Pinulot ng kung sino at tinambak sa ampunan. Masaya na sana kung hindi lang nagkada-leche leche.

"Na kay Hanako lang ang krus." Tugon ko bago ako muling lumapit sa kanya. "Gusto mo bang itanong ko?" nakangiti kong tanong. Hindi ko na hinintay ang tugon niya at agad na akong pumunta sa kabilang kwarto kung saan tahimik na nakaupo si Hanako habang nasa tabi niya ang paborito niyang libro.

Mula pagkabata, mahilig na siya sa pagbabasa. Wala siyang ibang ginawa kundi magbasa. Iyan ang gusto ko sa kanya. Matapang siya ngunit sa mga taong pinapahalagahan niya ay nawawalan siya ng lakas ng loob. Lalong lalo na sa taong iyon. Kung pupwede lang na unahin namin siya iyon na ang ginawa ko.

Ngunit hindi maari. Siya ang alas. Hindi muna dapat galawin ang alas.

"Hanako." Tumingin siya sa akin. Walang ekspresyon sa mukha niya na mas ikinatuwa ko. Wala na ang dating Hanako. Panigurado. "Saan mo ba naitago yung krus?"

Wala siyang tugon.

"Galit ka pa rin ba sa amin? Hanako, ginagawa namin ito para sayo. Tayo ang tatapos nito." Sinubukan kong hawakan siya sa balikat ngunit iniwas niya ito. Napabuntong-hininga na lang ako. "Naiintindihan ko." Ang huli kong sinabi bago ako naglakad palayo.

Nang nasa harap ko na ang pintuan ay muli akong lumingon sa kanya. Hindi pa rin siya gumagalaw sa pwesto niya. Ilang linggo na ba siyang ganito? Ayaw man niya, sigurado akong kapag nakita niya ang resulta ng mga nanyayari baka unti-unti rin siyang pumayag at tanggapin ito.

Plano naman niya lahat ng ito.

Binuksan ko ang pintuan at tahimik ko itong sinarado upang hindi makagawa ng kahit anong ingay. Ayaw ni Hanako ang malakas na pagsara ng pintuan. Kilalang-kilala ko siya.

Ilang taon ko na rin siya hindi tinawag sa pangalan na sanay kong gamitin. Hindi ko alam kung bakit pinagbawal niyang tawagin siyang ganun simula nang nagkita kami ulit pero kung ano man iyon, maaring mayroon siyang kinalaman dito. Malaki ang posibilidad na siya ang rason kung bakit ayaw na ni Hanako na tawagin siyang...

"Hana." Bulong ko.

Matagal ko ng gustong kalimutan ang nanyari sa nakaraan. Sa totoo lang, malapit ko ng malimot. Pero sa tuwing nakikita ko si Hanako saka ko lang nalalaman na naalala ko pa rin ang lahat at kahit anong gawin ko, patuloy pa rin akong hahabulin nito.

Muling nanariwa sa pag-iisip ko ang una naming pagkikita ni Hanako.

***

Nakaupo akong mag-isa sa damuhan, sa mismong gitna ng playground. Pinapanood ang mga batang naglalaro sa paligid ko. Masaya sila. Naghahabulan at nagtatayaan. Paano sila naging masaya? Bakit sila nagsasaya eh tinambak lang sila ng mga magulang nila dito sa ampunan?

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon