"Darkness dwells within even the best of us. In the worst of us, darkness not only dwells but reins." ― Dean Koontz, Strange Highways
--------------------------------------------x
AUSTIN'S POV
"TANGINA! Ano bang trip nyang si Mr. Laketon na yan? Akala ko ba gusto niyang ma-eliminate ang setion 3-C at manalo sa lecheng laro na gusto niya? Bakit gagawa siya ng punyetang bagong rule na yan?!" sigaw ko habang masama ang tingin sa kanilang apat.
" Walang magagawa ang pagsigaw mo. Pag-usapan na lang natin ang dapat nating gawin—"
"Hindi ko kayang kumalma sa ganitong sitwasyon hindi katulad mo!" hinilamos ko ang dalawa kong palad sa mukha ko, "Ah! Kaya nga pala lagi kang kalmado lang dahil sa tatraydurin mo rin naman kami diba? Eh kung ilabas mo na si Aislinn, edi tapos na tayo!" susugurin ko sana siya nang hinawakan ni Sir Buendia ang braso ko upang hatakin palayo, "Hayop ka! Hindi pa tayo tapos. Hindi pa kami tapos ni Aislinn! Nasa'yo lang siya, alam ko," nanlalaki ang mga mata kong sigaw sa kanya.
"Tama siya, Austin. Huminahon ka. Ang tungkol sa inyo ni Aislinn ay iba sa sitwasyon na ito. Isantabi mo muna iyan, " wika pa ni Sir Buendia.
Padabog akong umupo sa sofa na inuupuan rin ni Miaka. Tahimik lang siya na nakatingin nang deretso habang kandong niya ang kanyang itim na pusa na si Kuro. Napasinghap ako sa inis. Ginagamit lang nila Sir Buendia si Miaka. Mamamatay din si Miaka katulad ng dapat ay nangyari sa kanya noon pa. Tama nga't utang ni Miaka ang buhay niya kala Sir Buendia pero lahat ng iyon ay may kapalit.
Mawawala din si Miaka sa larong 'to.
Napatingin naman ako sa kanya na nakatayo sa gilid ng pintuan habang nilalaro-laro ang itim niyang pulseras. Siya ang nagpatuloy ng grupo mula noong iniwan at tumiwalag si Hanako at alam kong isa rin siya sa dahilan kung bakit naisipan ni Mr. Laketon ang punyetang bagong rule na yan dahil sa malapit sila sa isa't-isa—dahil may partikular silang koneksyon sa isa't-isa kung ano man iyon ay hindi ko alam.
Muli kong namataan ang pag-ikot ng lapis sa palad naman ng isa naming kasama na nakaupo sa kabilang sofa. Ang nilalang na kasagutan ko kanina—ang nagtatago kay Aislinn. Tangina niya. Papatayin ko silang dalawa kapag napatunayan ko talaga. Mali. Alam kong nasa kanya talaga si Aislinn. Alam ko.
Si Sir Buendia naman ay nakaupo sa isa pang gilid na sofa. Nakatingin siya sa sahig habang nangi-ngiti. Baliw din to eh. Dati ko pang alam na may pagkagago rin tong teacher na to. Mula noong lumabas ang mga pictures na nagpapakita na may iba silang relasyon ni Hanako. Alam kong sa oras na iyon na may tinatago rin siya—tulad ng karamihan. At hindi nga ko nagkamali, noong unang nagkita-kita kami, siya agad ang hindi ko pinagdalawang-isip pa na masasama talaga dito.
Silang apat, bago isipin ang laro, alam kong ang una nilang dahilan sa pagsali sa grupong ito. Iyon ay ang mamatay si Hanako. Nagtagumpay sila sa una nilang layunin dahil lahat sila ay may kanya-kanyang rason para magalit o kamuhian si Hanako. Lahat sila bukod sa akin.
BINABASA MO ANG
Class 3-C Has A Secret 2 | completed
Mystery / Thriller"Because some secrets ... just might kill you." ••• Date started: January 29, 2013 Date finished: June 22, 2014 Wag basahin kung hindi pa nababasa ang buong book 1. (If sa napublish na, volume 1 at volume 2 ang makakacomplete ng story). Iba rin ang...