C1: Moriendo Renascor.

706K 7.1K 3K
                                    

***BASAHIN ITO UTANG NA LOOB***

HINDI PO ITO ANG KARUGTONG NG VOLUME 1 NA PUBLISHED BOOK NG BOOK 1. ITO ANG KARUGTONG NG BOOK 1 DITO SA WATTPAD. BOOK TWO NA 'TO. IBANG CHARACTERS. PARA IWAS SPOILER, WAG BASAHIN HANGGA'T HINDI NABABASA ANG BUONG BOOK ONE (YUNG DITO SA WATTPAD AH, HINDI YUNG PUBLISHED BOOK). Magkaiba po ang nilalaman ng book 1 na published version at ang book 1 na nandito sa wattpad. Sa kadahilanang, revised po ang published ver. Kung nabasa nyo ang buong book 1 na sa published version na, mas advise na ituloy siya sa book 2 na published version na rin.

Maraming salamat! =)

***BASAHIN ITO UTANG NA LOOB***


Date started: January 29, 2013

Date finished: June 22, 2014


"Kamatayan ng isa...kamatayan ng lahat."

--------------------------------------------x

LUNA'S POV


DERETSO lang ang tingin ko habang naglalakad kahit na batid kong nakapako sa akin ang bawat tingin ng lahat ng estudyante na nakakasalubong ko .Hindi ko alam kung bakit at wala akong pakialam. Tumingin sila hangga't gusto nila, hindi ko na problema kung masasayang lang ang oras nila sa pag-uusap tungkol sa akin.

"Isa siyang Levesque diba?"

"Oo, nabalitaan ko nga na may Levesque na mag-aaral dito."

"Bakit ganun? Bakit wala atang ekspresyon yung mukha niya?"

Hanggang sa napatigil ako. Tumingin ako sa kaliwa ko kung saan nakaupo ang isang babae. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng nakuha na naman niya ang atensyon ko. Umagang umaga, umiiyak siya. Tsss. Nakakairita.

Tulad ng kanina, dumiretso na rin ako ng tingin. Napangisi ako nang muli kong naisip na nandito na ako sa Laketon Academy. Ang paaralan na pinasukan ni Denise bago siya mamatay kasama ang mga taong nakilala niya rito. Mayroon talaga sa loob ko na gustong-gusto matuklasan kung bakit, kung ano nga ba ang nanyari. May mali. Alam kong may hindi tama sa lugar na ito.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng classroom ay ganun pa rin ang naging sitwasyon. Lahat ng atensyon nila ay nakatuon sa akin. Karamihan ay nagbubulungan. Umupo ako sa nag-iisang bakanteng upuan na namataan ko. Nilibot ng mga mata ko ang buong paligid. Walang kwenta.

"Balak mo ba kaming patayin diyan sa titig mo?"

Tumigin ako sa lalaking nagsalita na nasa kanan ko lamang. Nakataas ang dalawa niyang paa habang nakapatong ang mga ito sa desk at bahagyang inuugoy-ugoy ang upuan niya. Pakilamero. Agad ko namang iniwas sa kanya ang atensyon ko. Wala akong mapapala kung pagtutuunan ko siya ng pansin.

"Sungit. Akala mo naman maganda."

Hindi ko na naman siya pinansin at itinuon na lang ang pansin ko sa teacher na pumasok sa classroom at nilapag ang mga gamit niya sa mesa. Narinig ko naman na nagsiupuan ang mga taong nasa paligid ko. Walang anu-ano ay nagsulat ang teacher sa board.

"Ms. Maeganne Ramos"

Muli siyang humarap sa amin at nagsalita.

"Ako nga pala si Ms. Maeganne Ramos, ang adviser nyo."

Tumingin na lamang ako sa bintana na katabi ko habang nagpapakilala ang lahat sa harapan. Wala akong interes sa mga bagay na ganyan, katulad ng pagkilala sa isang tao. Ang mga taong ito... wala silang halaga sa akin. Hindi ko na kailangan malaman ang mga pangalan nila at hindi na nila kailangan malaman ang akin dahil darating din sa punto na makakalimutan na lang namin ang isa't-isa.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon