Chapter 60: Real

3.4K 111 8
                                    

Thank you sa patuloy na pagbabasa! Pasensya na po sa matagal na paguupdate. Napahaba ata itong Chapter na ito

Kung naguguluhan po kayo sa age nila:
17 si Elaine
18 si Xander

14-15 si Elaine sa ibang part kasi flashback iyon noong nakilala niya sina Wayne, Blue at JL

After 2 years pa noong nagdesisyon syang bumalik sa Pilipinas kung saan nagsimula ang story na ito.

Sana po ay nakatulong iyan para lubos nyong maunawaan ang age frame nila.

I-vote nyo sana ang Chapter na ito matapos basahin.

Next update after 20 votes siguro? Kung kaya this week ipopost ko. Last two days na kami ng summer class kaya siguro ay kaya naman

Enjoy!
_________________________________________

XANDER'S POV

"Youre the founder of nonpareil gang?"

"Oo, kaming dalawa ng kaibigan ko pero inangkin ko ang titulo para hindi rin sya habulin ng mga nagtatangka sa buhay namin."

Napailing ako.

"Nasabi na sakin ni Ara ang lahat, hindi ko lang maintindihan kung bakit kinailangan mo pang itago sakin para maintindihan ko kung bakit ka nawala."

Napabuntong hininga siya at nakipagtitigan sakin, nadito parin kami sa hardin sa bahay. Nagsisimula ng lumubog ang araw kaya tumayo muna ako para binuksan ang ilaw na dinesenyo para dito sa hardin. Akala ni Dad ay aalis muli ako kaya napatayo siya.

"Bubuksan ko lang ang ilaw."

Rinig kong nakahinga sya ng maluwag at kalmado muling umupo. Umupo muli ako sa mahabang upuan dito na nakaharap sa kanya. Pinapaikot ikot ko sa aking kanang kamay ang aking celphone at muling tumitig sa kanya.

"Kenneth, alam kong galit ka--"

"Buti alam mo, hindi mo ba alam na mahirap lumaki ng walang ama?"

Natahimik sya sa panunumbat ko.

"Wala akong pagpipiliian. Kapag hindi ako umalis, hindi kayo mabubuhay." dagdag pa nya.

"Bakit hindi nyo man lang sinabi sakin ang dahilan para hindi ako nabuhay ng kinamumuhian at binabaon kita sa limot? Napakawalang kwenta ng buhay ko noon Dad. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko man lang nagawang hanapin si Luelle. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para mapasaya si Mama. Hindi ko alam kung nasan ka. Hindi ko maintindihan ang nagyayari sa mga taong malapit sakin. Hindi mo ba naisip na mahihirapan ako?"

Napatungo si Dad.

"Kailangang wala kang alam kasi alam kong hahanapin mo ako."

"Bakit ka nagsinungaling na patay na si Luelle?"

Mariin kong tanong.

"Kasi gusto kitang nasaktan."

Pinandilatan ko sya at kita ang pagkabwisit ko sa sinabi nya. Tahimik lang ako pero lahat na ng klase ng pagmumura ay naibato ko sa sarili kong ama sa mga sandaling iyon.

gusto nya akong saktan.

Yan ba ang sagot sa lahat ng tanong ko? Napailing ako sa kahangahanga niyang sagot.

"Siguro magiging maayos ang lahat kung may totoo akong ama."

Seryoso syang hinuhuli ang mga mata ko.

"Pero sa kamalas malas...malasang pagkakataon! ikaw lang ang binigay sakin."

Sandali syang hindi kumurap.

Black Star (Street Racer Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon