Chapter 56: Balance

3.8K 91 6
                                    

ELAINE'S POV

"May hindi ka sinasabi sakin?" gulat nyang saad.

Tumango ako at naglakad papunta sa loob ng fastfood chain. Nanahimik muna ako at pumila sa tapat counter.

"Sa labas tayo mag-usap." hinawakan nya ako sa braso at nagkasalubong ang tingin namin.

"Hindi. Dito tayo mag-uusap sa loob."

Nagtataka sya pero plano ko talaga na sa isang mataong lugar kami maguusap para mapanatili syang kalmado at walang pagkakataong iwan ako sa kalagitnaan ng pag-uusap kasi along slex kami ngayon.

"Elaine." saad nya muli na parang pinipilit akong lumabas pero hindi nya ako magawang hilahin palabas.

Ngumiti ako ng bahagya at tumingin sa crew ng fastfood chain para sa order namin. Umupo kami sa lugar na dalawang lamesa ang layo mula sa ibang kuamkain din dito. Kunot noong hinuli ni Xander ang attensyon ko. Sigurado akong kumukulo na ang dugo nya sa pagkaasar pero kalmado lamang siya tulad ng inaasahan kong pisikal na kilos niyang ibibigay kapag nasa matao kaming lugar. Mahilig syang makipagPDA sakin pero kilala ko sya, ayaw nya ng eskandalo

"Sorry." I started.

"Whats this all bout?"

"Xander."

"Gaddamit Elaine. Please lets talk about this in your car. Now. Youre scaring the sht out of me."

"I'm afraid we cant. Please listen to me."

He shook his head with disbelief of whats happening.

"I met someone, that you'll not be happy I did."

Natahimik siya at seryosong nakatingin sakin. Nagfocus ako saglit sa french fries sa harap ko para baliin ang tensyon. Tumingin ako sa kanya at sumandal sya sa upuan nya matapos uminom mula sa Diet coke nya.

"I met him."

Napaupo sya ng maayos sa pagkagulat, kita ko ang takot at pagkataranta sa mga mata nya.

"Yes, I met your Dad."

Tumingin sya sa paligid at bumlik sakin ang mga mata nya.

"Outside. Now. Please."

"But--"

"Help me Elaine. Ayokong mapahiya at maging agaw attensyon dito kaya sumunod ka na lang. You have many explanations to do." mahinahon nyang saad kahit pinagtatangkaan na nya ako.

Napalunok ako habang iniisip ko ang sitwasyon kapag lumabas kami dito. Kinuha ko yung pagkain na binili namin at dali daling sumunod kay Xander. Pumasok sya ng kotse sa drivers seat at napabuntong hininga ako bago buksan ang pinto. Sisigawan nya ba ako?

"Hi." tipid kong saad sabay subo ng french fries para ikalma ang sarili ko.

"Did he threaten you?"

"Threaten?"

"Sinabi nya ba na lumayo ka sakin? Pinagtangkaan ka ba nya? Nagbigay ba sya ng offer na pera para iwan ako?"

O_____________O

"Iiwanan mo na ba ako Elaine?"

Nagulat ako sa takot nya na pinapakita sakin. Nabubulol pa sya at kita ang pagkataranta na nagpatindig ng balahibo ko. Iniisip nyang iiwan ko na sya dahil pinagtangkaan ako ng ama nya?

Black Star (Street Racer Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon