Chapter 7: Once

11.8K 224 15
                                    

XANDER'S POV

Kakamulat pa lang ng mga mata ko, nakita ko na syang mahimbing pang natutulog saking tabi. Dito na pala kami nakatulog. :)

Napangiti ako ng di ko alam ang eksaktong rason. Ano bang ginawa nya sakin at nagawa nyang ibahin ang natural na asal ko sa iba? Napansin kong iba ang reaksyon at kinikilos ko kapag sya na ang pinag-uusapan at kasama. Pero salamat Elaine, pinapasaya mo ako kagabi kahit wala naman kayong ginawa kungdi mag asaran at manuod nung boring na movie XD

She just makes me smile so clueless. Pano ba nya yun nagagawa? X) Pero kinakatakot ko lang ang effect sa buhay ni Elaine kapag nagpatuloy kami sa ganito. Entering my life is just so miserable at delikado lalo na para kay Elaine. Ayoko naman na maulit ang nagyari dati kay Luelle na napahamak dahil sa kapabayaan ko. Tsk. Yan napasok nanaman sya sa pag momonologue ko. :/ Next time ko nalang iku-kwento sa inyo about that girl.

Mayamaya pa ay gumalaw sya at mukhang nagising na dahil medyo kanina pa din akong makulit sa tabi nya. Pumikit na lamang ako noong umupo sya't parang may inabot sa bandang lamesa sa harap ng sofa na kinahihigan ko.

"Hmm? Hey, i'm sorry. Kakagising ko lang." rinig kong saad nya habang may kausap sa phone.

"Yeah. I'm fine. Nga pala, i have a race next friday... You know what to do, right?"

Narinig ko ang sweet nitong tono ng pananalita.

"Wag kang mag-alala. I know what i'm doing. I need to hang up know. Gagawa pa ako ng breakfast eh." sandali itong tumigil.

"I miss you too. Yah, love you babe!"

Babe?! MAY BOYFRIEND NA SYA?!

(◣╭╮◢)

Pfff. Bakit ba parang affected nga ako? -.-

* * *

Bumangon narin ako pagkatapos siguro ng kalahating oras pagka alis kanina ni Elaine sa tabi ko.

"Gising kana pala Xander. Magbreakfast ka na." nakangiti nitong saad.

Hindi ko ito pinansin at dumiretsyo nlang ako sa guest room nya dahil inihanda na ako ni Cyrus ng damit dun. Nagshower ako at nagbihis. Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita kong nasa dinning pa din yung breakfast ko. At nasa living room si Elaine.

"Kumain ka muna ng breakfast." parang matamlay nitong saad.

Ayoko syang tignan o pansinin pero hindi sumunod ang gusto kong gawin sa ginagawa ko. Medyo nakonsensya naman ako dahil mukhang magtatampo sya. Pero ano naman kung magtampo sya?! Haist. Ewan ko lang pero may nagtutulak sakin na pumunta sa lamesa.

Gutom lang siguro.

(¬▂¬)

ELAINE'S POV

Back to normal nanaman yung si Xander. Cold, Quiet, Dark Aura and Mean. Kakaiba lang talaga ang ugali ng lalaking 'to. Mala anghel slash demonyo.

(×╭╮×)

Naglakad ako papunta sa kitchen para kumuha ng chocolate drink. Hot sa kanya tapos Cold sakin. Pumunta kaagad ako sa dinning table at umupo sa tapat ng kinauupuan nya matapos kong ilapag yung tasa ng hot chocolate nya. Wala syang imik kahit thank you. Lalaki talagang 'to napaka moody! Napabuntong hininga nalang ako. Kaasar eh. :/

"You should have told me." malamig nyang saad sakin.

'"Should have told you? What?"

Black Star (Street Racer Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon