Chapter 72: Goals

2.6K 58 20
                                    

XANDER'S POV

"Karma lang yan Dan."

"According sa bagong post ng council ay next month daw ang race nya sa North America."

"I think we can watch that one." nakangiti kong saad.

Masaya akong napagiinitan na ngayon sa council itong si Black Star. Kahit hindi naman ganoon ka tindi ang kasalanan nito sakin ay hindi ko rin sya mapapatawad dahil sa lala ng pinsala nyang nagawa. Ang yabang nito sa pagiging Street Racer Princess ang nakakapagpairita sakin. Bakit? Hindi sya natatakot maging inactive dahil lamang sa mga connections nya sa loob ng council. Kaibigan niya ang King and Queen ng samahan at ginagamit nya ang mga ito para makapagrelax sya at hindi pagsipot sa mga mahahalagang gathering ng samahan.

"Xandersarang?"

"Sige Dan. Kasama ko si Elaine ngayon. Dadaan nalang kami mamaya dyan sa mansion."

"Teka, hindi natin pwedeng pagusapan ang tungkol dito kung kasama mo sya. Pwera na lang kung gusto mong malaman nyang ikaw ang Street Racing Prince. Na hindi mo naman gugustuhin kasi malalaman nya ang mga delekado mong races."

"Wag muna nating pagusapan ang tungkol dyan mamaya. Ichecheck ko ang reports ng gang at may tip daw yung isang gang sakin kaya kailangan ko rin pumunta."

Ibinaba ko ang telepono at ngumiti ng bahagya si Elaine.

"May problema?"

"Wala naman pero kailangan nating dumaan sa mansion mamaya."

"Okay? Err ayoko ng huling memory ko sa mansion na iyon."

"I dont like it too."

Naglakad kami at pumasok sya sa ilang stores pero hindi naman sya makapili kaagad kaya hindi ganoon kadami ang nabili namin.

"You want to watch the fireworks tonight?"

"What?"

"May fireworks display mamaya dito."

Tumango sya at kita ko ang paglift ng aura nya na ngayon ay masayang masaya na sya at excited. Napadaan kami sa isang icecream parlor at mahaba ang pila ng mga bata dito.

"Pila ka. Gusto ko nyan." utos nya.

Pinanlakihan ko sya ng mata at pinagtawanan na ako nito.

"Please?" pakiusap pa nito.

Ano pa nga ba? Edi pumila ako at nilingon pa ako ng mga bata at nagtawan ang mga ito. Pilit kong hindi maasar pero ang haba talaga ng pila.

"Hello, whats your name?"

Nakita kong lumuhod si Elaine at kinausap ang isang batang babae na pink nakatutu. Nagulat sya ng bigla syang niyakap nung bata.

"Oh! You're so cute."

Kinarga nya ito at lumapit sakin.

"Look at her Xandersarang. Ang cute nya!"

Tumango lang ako at nagulat sa paghawak ng batang iyon sa mukha ko.

"Tito! Tita!" saad nito samin.

So Tito nya ako tapos Tita nya si Elaine? Hindi ko mapilang tumawa.

"Yes baby! I'm Tita Elaine!" masayang saad nya.

"Her name is Bree." saad ng isang babae na nakakasigurado ako na mother ito ng batang karga ni Elaine.

"Hi Bree!" bati ni Elaine sa bata.

Black Star (Street Racer Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon