Belle's POVNaglalakad ako papunta sa office ko nang marinig ko nanaman ang balita tungkol sa Aucia, malulugi na daw ito pero kumakapit parin ako na maaayos ko ang lahat.
Desperada na kung desperada pero hindi ko isusuko ang kumpanyang pinangarap at binuo ko.
This is my job, my dream and my everything. Hindi ako susuko. Gagawa ako ng paraan, sana umayon ang lahat ng ito.
"don't lose hope guys, hindi tayo malulugi"
pinapalakas ko ang loob nila, yes mas malaki yung posibilidad na malugi kami pero may pag-asa pa naman para maibangon namin ang kumpanya."ma'am hindi na po talaga pwede. Malaki na din po ang utang natin, pwedeng bukas o mamaya lang maaangkin na nila yung company" sabi ng isa sa empleyado ko
Malaki na ang utang namin sa bangko, hindi lang sa bangko pero sa iba pang kumpanya. Ayokong mawalan ng trabaho yung mga empleyado ko pero mas masasaktan lang sila kung ipipilit ko pa.
"kailangan niyo na pong mag decide" mahinang sabi ng isa sa empleyado ko.
Iniabot niya sa akin ang itim na folder. May ballpen na itong kasama, pag pinirmahan ko ang folder na 'to ay isasara na ang kumpanya.
Dahil sa galit ay pinunit ko ang folder mmaging ang laman nitong mga papel. Nang mapunit ko ito ay inihagis ko ito papalayo sa akin.
"walang magsasara" hinihingal na sabi ko, dahil sa galit
"pero ma'a-" pinupulot nito ang kalat na ginawa ko
"get out" galit na galit na sabi ko
Hinawi ko ang buhok ko, pinunasan ko ang pawis ko. Parang sasabog na ako dahil sa galit. Gusto ko nalang sumigaw ng sumigaw.
"ma'a-" tumayo ito at lumapit sa akin
"I said...get out" sigaw ko sa kanya
Mabilis itong bumaba sa hagdan. Naiwan nito ang punit na papel sa harapan ko. Pinulot ko ito at binasa, nang mabasa ko ito ay mas lalo akong nagalit, nilukot ko ito gamit ang isang kamay ko at inihagis pababa sa hagdan.
Nasa office na ako, iniisip ko pa rin kung ano ang gagawin sa kumpanya.
"Hindi ka masasara" sabi ko habang nakatingin sa litrato ng Aucia's Building.
Inaya ako ni Donny sa cafeteria, pumunta agad ako don. Nakaupo lang siya at naghihintay, may coffee na rin sa table. Kabisado niya na yung gusto ko.
"how's your day?" Tanong niya habang umuupo ako.
Nilagay niya ang cellphone niya sa kaliwang bahagi ng lamesa. Kumain siya ng kaunting cake, chocolate cake.
"as usual" uminom ako ng kaunting kape
"stressed?" He asked, concerned face?
"yeah, I'm sorry kung napapatagal yung pagbabayad ko ng utang sa company niyo" may sasabihin pa sana ako pero sumagot agad siya
"hindi kita sinisingil" walang emosyon niyang sinabi
"pero utang 'yon" ayokong may utang kaya babayaran ko 'yon pero pa'no?
"wala akong pake" walang emosyon at madiin niyang sinabi
"o-okay" naiilang kong sinabi, he's so kind. Pa'no ko siya babayaran sa kabutihan niya?
Isa ito sa rason kung bakit ko siya minahal. At mamahalin pa.
Pagkatapos ay pumunta naman kami sa parke.
Naglalakad lang kami don, nakita namin ang cotton candy kaya lumapit kami sa nagtitinda nito.
BINABASA MO ANG
Nights of December
FanfictionBroken hearts, Loving nights. Is it bad if we stay inlove that night?