Chapter 36

761 31 6
                                    

Months later...

"Mommy!" Tumakbo si Adiel sa akin dala dala ang isang painting.

"Look po, nag paint kami ni Daddy" tinuro niya ang painting. May apat na tao sa painting na ito, nasa beach sila, nakaupo sila sa ilalim ng puno ng buko at pinapanood ang pag lubog ng araw, may kasama rin silang aso.

"Ikaw po 'to" tinuro niya ang babaeng nakapatong ang ulo sa balikat ng lalaki "si Daddy naman po 'to" tinuro niya naman ang lalaki "this is me" tinuro niya ang babae sa tabi ko "then si Lulu" tinuro niya ang aso.

Masaya ako dahil kilala niya na si Lulu. Actually, may bago kaming aso, Lala, yung pangalan.

"Sino yung boy sa tabi ni Daddy mo?" I asked her.

"Baby brother" ngumiti ito " I want baby brother, My"

"Soon, okay?, not now" umiling ako

"Soon if you are ready na po, Mommy" she kissed my hand.

"Tao po" ang tinig na ito ay mula sa labas.

"Adiel, here ka muna" sabi ni Donny paglabas ng pinto "sino ba yung tao?" Tanong niya at umiling ako.

"I'll open it, mahirap na" saad niya. Pinaupo ko lang si Adiel sa sofa at sinundan ko rin kaagad si Donny.

"Ano pong kai-" napatigil siya nang bumungad ang mukha ni Avery at Felix, maging ako ay nagulat rin.

Bumabalik sa akin ang lahat ng ginawa nila. Yung pag sakal ni Felix, yung drugs, yung alak, yung pasa, lahat. Lahat ng sakit. Akala ko madali lang ang kalimutan iyon ngunit hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang mga ito. Ni wala man lang akong narinig mula sa kanila.

"Anong-" tatanungin na dapat ni Donny ang dalawa ngunit nagulat ito sa kanilang ginawa, luluhod dapat si Avery ngunit pinigilan siya ni Felix at si Felix nalang ang lumuhod.

"Fel-" I uttered but he cut me off.

"Sorry" lumuha ito "sorry sa lahat-lahat" hinawakan nito ang kamay ko ngunit lumayo ako at iniwas ang tingin sa kaniya. "Hindi ko alam kung ilan, pero alam kong marami akong kasalanan sa inyo. Marami akong kailangang pag bayaran"

"Belle, sorry" ani Avery, halos bulong na ito "patawarin mo sana ako" hikbi nito "I'm so sorry for everything, ang dami kong nagawa sayo, ang dami kong nasira sayo" sinasaksak ako ng bawat salita nilang binibitawan, kaya naman pala nila. Hindi ko rin maiwasang maluha dahil naaalala ko ang mga nangyari.

"Hindi enough yung mga sorry namin, hindi 'yon enough pero sana mapatawad mo kami.. natuto at nagsisisi na kami" kita ko ang sinseridad sa mata ni Felix habang binabanggit ang mga ito.

"Punish me" Avery offered her hand.

"No" umiling si Felix kaya mas napatahimik kami ni Donny "ako nalang, 'wag si Ave" pagmamakaawa nito.

"Nag tiwala kami sa inyo, diba?" Si Donny.

"Pinayagan ko si Belle kasi akala ko sincere kayo sa kaniya" madiin niyang saad "tapos gaganunin niyo siya?, yung pasa, yung sugat, yung trauma na dinanas niya dahil sa ginawa niyo, lahat ng 'yon pinagdudusahan ko, lahat ng 'yon pinagsisisihan ko"

Nights of December Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon