Paano na ako, paano sila Mama. Wala na akong trabaho, paano ko sasabihin sa kanila na wala na kami ni Donny.
Naimpake ko na ang mga damit ko at nagsulat na rin ako ng goodbye letter para kay Donny. Hindi ko na kasi kayang tumira pa kasama siya. Alam kong mas mahihirapan lang kaming dalawa. Wala na rin naman akong dahilan para tumira pa dito, kasi yung nag-iisang dahilan ko, wala na, wala na akong halaga sa kanya.
"where are you going?" Walang emosyong tanong niya paglabas ko ng pinto.
"a-aalis muna ako..uhm..b-baka hindi na ako bumalik" hinila ko ang maleta at inilagay ito sa tabi ko.
"you really can't keep your promise" he faked a laugh.
Me?
Promise?
"Ikaw rin naman" I murmured
Masama siyang napatingin sa akin at marahas na kinuha ang maleta ko.
"Dons.." sinubukan kong kunin ang maleta ko ngunit masyadong siyang malakas kaya hindi ko ito nakuha.
"you promised, right?" madiin niyang sabi "nangako ka"
"Nag promise ka rin naman diba?" Halos bulong na ito "..pero anong ginawa mo?" napatakip ako sa mukha ko nang lumakas ang paghikbi ko.
"kasalanan ko pa?" he laughed, teasing me.
"Kasalanan ko. Oo, alam ko 'yon, alam kong kasalanan ko" dinuro ko siya, madiing ko nang pinagdikit ang ngipin ko para lang mapigilan ang malakas na paghikbi.
"'yon naman pala e" mabilis na sabi niya
"Donny!" madiin kong pinisil ang braso niya "makinig ka muna sa akin, please lang"
"Sige nga!" sigaw niya "sige, makikinig ako"
"na realize mo na ba yung mga ginawa mo?" I smiled painfully.
"Nagkulang ba ako sa'yo?" bulong niya. Mas nadurog pa ang puso ko nang makita ang mabilis na pagpatak ng luha niya "may nagawa ba akong mali?" Napasandal siya sa likod ng sofa at kinagat niya ang kaniyang kamay upang mapigilan ang paghikbi.
"D" dahan-dahan akong umupo sa tapat niya. Marahan ko ring hinaplos ang buhok niya upang kumalma.
"Naubos ka na ba?" tanong niya habang nakadukmo sa kanyang tuhod.
"Hindi"
"pero bakit ka nagloko?" mabagal niya akong tiningnan "bakit mo ako niloko?"
"Sorry" yayakapin ko sana siya ngunit umiwas ito sa akin.
"Masaya ka ba sa kanya?" Mahinahong tanong niya.
"D-don" he cut me off
"Kasi kung mas masaya ka na, hahayaan na kita"
"sa'yo ako masaya"
"Kung masaya ka, bakit mo ako kailangang iwan" he cried more.
"pagod na ako" I cried
"'yun lang?, dahil lang sa pagod ka ha?"
Ayaw niyang umalis ako. Ayaw niyang mawala ako sa tabi niya. Pero nakakapagod na e, durog na durog na ako. Sa araw-araw na nakikita kong unti unti na siyang nagbabago, nasasaktan ako. Okay na sigurong ako na yung bumitaw, mas makakabuti sa amin 'yon.
BINABASA MO ANG
Nights of December
FanfictionBroken hearts, Loving nights. Is it bad if we stay inlove that night?