Chapter 29

567 34 5
                                    

It's been a month. And it still hurt.

I woke up early because of my headache. Hindi ko na rin nagawa pang bumangon dahil sa sakit ng ulo. Hindi lang pananakit ng ulo ang nararamdaman ko. Masakit rin ang puso ko, masakit pa rin ito. Akala ko one week or three weeks lang wala na yung sakit pero hindi pala. Ang tagal pala bago maalis yung sakit.

From Aiden:
uminom ka na ng gamot?

To Aiden:
yah.

From Aiden:
I hope you feel better. You need something?

To Aiden:
Okay lang ako.

From Aiden:
sure ka?

To Aiden:
Hindi

From Aiden:
puntahan kita diyan?

To Aiden:
alis tayo.

From Aiden:
Kulit naman ng pasyente ko.

From Aiden:
Bawal

From Aiden:
Masakit pa yung ulo mo, so no.

To Aiden:
Okay na nga ako diba. Kanina hindi ako makabangon but I'm okay now like super okay.

From Aiden:
Gusto mo ulit sumaya?

From Aiden:
Gusto mo ulit takasan yung problema?

To Aiden:
Gustong gusto.

From Aiden:
Are you okay?, you feel better?. Like 100% okay?.

To Aiden:
Mga 65% okay. Madadagdagan lang 'yan ng 35% kapag sinundo mo na ako.

From Aiden:
Comingg po.

Dahan-dahan akong bumangon at nagbihis. Wala si D dahil nasa trabaho siya. Hindi ko rin naman sinabing masakit yung ulo ko. Pero okay na ako ngayon, nakaligo na rin ako, sabi kasi ni Aiden baka daw sa init lang yung sakit ng ulo ko.

"pogi po" rinig kong sigaw mula sa labas. Tiningnan ko ito mula sa bintana. Nandoon na si Aiden, kumaway ito sa akin.

"wait.." mabilis akong tumakbo patungo sa kanya. Binukas ko ang gate ngunit nanatili lang siya doon sa labas. Kinuha ko lang ang bag ko at umalis na kami.

"sure ka bang okay ka?" Inalalayan niya ako papasok sa kotse.

"sure" sinara ko ang pinto at pumasok na rin siya.

"CCC?" tanong niya bago mag seatbelt.

"yes.." sagot ko na para ba akong bata.

"saya ah" pinaandar na niya ang kotse

"naman.." tumawa ako dahil sa pagngisi niya.

——

"We're here.." 'yan ang narinig ko kaya napadilat ako. Nakaidlip pala ako, buti nalang medyo matagal yung byahe.

"O-oh sorry" inayos ko ang buhok ko at kinuha ang bag.

"Okay ka lang ba talaga?" Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto.

"Okay lang po" humawak ako sa balikat niya upang maging alalay sa pagbaba.

"Tara na?" Aya ko

"Tara" Pumasok na kami sa mall at dumiretso sa mcdo. Sakto at gutom na rin ako. Sinamahan niya muna ako paupo bago umorder.

"Dito ka lang, ako na" kinuha niya ang wallet sa bulsa at naglakad na palayo para umorder.

Nights of December Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon