Chapter 11

873 36 5
                                        


"I will never leave you, I promise"

I whispered, crying over me? — that's insane.

Ano ba ako sa kanya?,....sino ba talaga ako sa kanya?. I want to love him but I-I can't. Gustong-gusto kong ipagsigawan sa lahat yung nararamdaman ko pero hindi ko kaya. Ako lang naman nakakaintindi sa sarili ko – ako lang naman nagmamahal sa sarili ko.

Kaya ko ba siyang mahalin....ng totoo?.

"pinky promise" inaabot niya sa akin ang hinliliit niya. Really?, yung boss na kagaya niya makikipag pinky promise sa empleyado niya?. Ni ayaw niya ngang pinapakita yung childish side niya eh.

Nakipag pinky promise ako sa kanya "promise" mahinang dagdag ko. Marunong akong tumupad ng pangako, pero pag ramdam kong bawal na — kaya kong bumitaw agad.

"please?" He said softly. Please??

"a-anong please?" I asked him. Wala naman siyang dapat ipagmakaawa, okay lang ba siya?

"please don't leave me" he tapped my head gently "ikaw lang yung gusto kong kasama" his tears dripped.

Bakit ba ganito siya...hindi ko na siya gets. Mahal niya ba ako?, gusto niya ba ako?....ano!!. Gulong-gulo na ako. Parang sinasabi ng sarili kong wag...huwag mo siyang mahalin pero hindi ko yata kayang sundin yung sarili ko kasi Mahal ko na siya eh.

"do you love me?" I asked him, sasaya ba ako o masasaktan?. Ramdam ko na namang hindi yung isasagot niya.

Mabilis siyang tumayo at pumunta sa harapan ko "anong klaseng tanong ba 'yan" bahagya siyang tumawa "fake girlfriend lang kita ano ka ba" kaunti siyang umusod, humarap siya sa pinto.

"yeah" I whispered "f-fake girlfriend mo nga lang pala ako" papahinang sabi ko, sobrang nasaktan ako ng marinig ko ang sagot niyang 'yon. Alam ko na naman yung halaga ko nung una pa lang, bat ko pa kasi pinipilit eh.

"sige na aalis ako" lumabas na siya ng pinto. Pupunta siya sa bar kasama ang iba pa niyang kaibigan.

Parang kanina lang iniiyakan mo ako ha. Parang kanina lang ayaw mo akong umalis — tas ngayon ikaw pala yung aalis.

Ngayon din uuwi sila Felix at Avery. Hindi na sila nagtagal pa sa Boracay. Ang usapan ay isang linggo pero may kailangan silang ayusin sa kumpanya.

Nahabol ko pa si Donny bago niya paandarin ang kotse niya. "ngayon p-pala uuwi si Felix" nakayuko ako "inaaya niya ako for dinner" kaunti kong tinaas ang ulo ko para makita ko ang reaksyon niya.

"Okay" sagot niya. Yun na yon?, okay lang talaga?. Baka mamaya dramahan mo nanaman ako tas ako namang 'tong si tanga aasa sayo tas bigla ka nanamang mawawala.

Para kang cotton candy eh,....sa una lang sweet

Pumasok na siya sa kotse niya. Wala na ata talaga siyang pakielam sa akin....sa amin. Malaya na ako mula sa kanya pero bakit mas gusto kong ikulong yung sarili ko...s-sa kanya.

"sakit ah" malayo na ang kotse niya. Puro sakit lang pala ibibigay mo sa kin. Buti pa si Feli-

Nakita kong papalapit na ang kotse ni Felix sa bahay. Hindi pa ako nakabihis at bat ang aga niya?, dinner yung usapan ah.

Pinarada niya ang sasakyan niya sa tapat ng bahay ni Donny, malapit sa puno ng mangga. Well, gwapo siya...looks like he's my next mistake — but no, si Donny lang ang paborito kong pagkakamali.

Nights of December Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon