Punishment.
Is that enough?
Paggising ay hinanap ko kaagad siya ngunit wala siya sa tabi ko. Wala na naman siya. Dumapa ako at umiyak. Unti-unting bumabalik sa akin ang nangyari sa amin kagabi.
We..
We did it.
"eat" nagulat ako nang may pumasok sa kwarto. Humarap agad ako at bumungad sa akin ang mukha at katawan ni Donny.
Apron at short lang ang suot niya. As usual.
"B-bakit nandito ka pa, d-diba dapat nasa trabaho ka na" nanginginig ako.
"hinintay talaga kita" my heart bursted, hinintay niya ako?
"f-for?" Kumunot ang noo ko
"sasama ka sa office" he said, emotionless
"Bakit?" tumaas ang tono ng boses ko. Parusa na naman ba 'to?.
"basta, bilisan mo na" tinalikuran na niya ako at naglakad palayo sa akin. Iniwan niya sa kama ang pagkain na niluto niya. Lumapit ako dito at mabilis na kumain.
May pake pa pala siya. O baka naman na konsensya na. Napagtanto niya na ba yung mga ginawa niya sa akin?. Napagtanto niya na ba na sobra niya akong nasaktan at patuloy pang sinasaktan?. Nagdudusa na ba siya?. Sa nakalipas na ilang araw o linggo na wala siya, parang nawala na rin ako. Parang nawalan ako ng saysay sa mundo. Gabi-gabi akong umiiyak, tinatanong ko kung mahalaga ba ako?, may halaga pa ba ako sa kanya?. Miss ko na siya e, mahal na mahal ko siya pero mahal niya rin ba ako?, kasi parang hindi na e.
Napagtanto niya na ba na habang binubuo niya yung sarili niya ay mas mauubos ako?
Pagkatapos kumain ay nilabas ko na ang pinagkainan ko. Wala si Donny pero baka nasa baba lang 'yon, naghihintay. Pumasok na uli ako sa kwarto upang maligo. Hinanda ko muna ang susuotin ko at pumasok na sa banyo.
Pagkatapos maligo ay nagbihis na ako at bumaba. Wala siya, wala yung kotse niya, iniwan niya ako. Akala ko ba hinintay niya ako?, ano na naman ba 'to, hirap na hirap na ako.
"No.." huminga ako ng malalim, napaupo nalang ako sa sahig dahil sa biglang humina ang tuhod ko. Mabilis ring pumatak ang luha ko kaya nasira ang make up ko. Gusto kong humingi ng tulong kay Aiden pero nakakahiya na.
"Belle, kaya 'yan" tumayo ako "hinga ng malalim" at huminga ako ng malalim "lalakad ka, okay?" tinapik ko ang mga hita ko.
Bago mag umpisa sa paglalakad at pinagpag ko muna ang suot ko, pinunasan ko rin ang mga luha ko at nag ayos muli, nag make up ulit ako. Ayokong makita niya na mahina pa rin ako. Ayoko nang makita pa niya na lumuluha ako.
Ayoko na.
Nasa kalagitnaan palang ng paglalakad ay nakaramdam na ako ng pagod. Minasahe ko ang tuhod ko para mawala ang pag sakit nito. Malayo pa yung building pero suko na ako.
"Hey, anong ginagawa mo d'yan" sigaw ng isang pamilyar na boses.
Si Gio.
"Gio.." hingal na sigaw ko. Bumaba ito ng kotse at lumapit sa akin.
"Si Dons ba yung may gawa nito?" bulong niya, may halong lungkot ang mahina niyang boses.
"Oo pero okay lang" tinapik ko siya
"Sorry ha.." bulong niyang muli "sorry sa mga nagawa niya"
"Okay lang, kasalanan ko naman e" yumuko ako "sige na, alis na ako"
BINABASA MO ANG
Nights of December
FanfictionBroken hearts, Loving nights. Is it bad if we stay inlove that night?