Chapter 12

891 39 6
                                        

"It's okay, your voice is beautiful"

He said, he looked at me. Simula naman nung magkaibigan palang kami sinasabi niya na 'yon sa akin...., pero iba 'to, ayokong mag assume pero parang may meaning yung pagkakasabi niya,..parang gusto niya ako.

Hindi ako sumagot at tumalikod nalang ako. Para akong tanga na nakangiti habang nakahawak sa ref. Hindi ko na namamalayan na lumalapit pala siya sa akin. Bigla siyang yumakap sa akin mula sa likod, pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko kaya hindi ko maiwasang makaliti dahil sa baba niya.

"do you like bunbun?" He asked me, I was confused because it was the first time I heard that word.

"h-huh?" kumunot ang noo ko, sino si bunbun?. Lulu 'yong pangalan ng aso namin so sino si bunbun.

"red bear, yung binigay ko kagabi" he stared at me

Mabilis akong tumingin sa kanya "bakit may pangalan?" I asked, I laughed a little

"why?, ayaw mo ba" he said mellifluously, he pouted his lips like a child.

Gustong-gusto ko ng sumabog. Pinipigilan kong tumawa dahil alam kong ma ooffend lang siya. Pero sa totoo lang ang cute niya. Kayang kaya niya akong madali. Kayang kaya niyang bumawi.

"g-gusto" I laughed, hindi ko na kayang pigilan kaya tumawa na ako.

"why.." he pouted his lips again "why are you laughing" he added.

Hindi ko alam pero parang nagugustuhan ko na ang ganito niyang gawain. Galit ako sa kanya....kanina. Pag nakikita kong ganito siya ay parang may mga paru-parong naglalakbay sa tiyan ko. Masaya sa pakiramdam na bumabalik na kami sa dati..., sana tuloy-tuloy na 'to.

"wala" nagpipigil ako ng tawa, humarap ako sa kanya.

Pagharap ko ay mabilis niyang hinila ang balakang ko, dahilan para mas magkalapit pa ang mukha naming dalawa. Nauntog ang noo ko sa pagitan ng mga mata niya at dumikit ang labi ko sa dulo ng baba niya.

"-oh" mabilis niyang inilayo ang mukha niya, hinawakan niya ang noo ko, hinilot niya ito upang mawala ang sakit mula sa pagkakauntog ko sa pagitan ng mga mata niya.

"sakit ah" I laughed

"be careful kasi" he kissed my forehead

"anong be careful eh ikaw 'tong bigla-biglang nanghihila"

Naglakad na ako papunta sa sala. Nakaupo lang ako at nagtataka kung bakit ang tagal sumunod ni Donny. Pag tingin ko ay naglalakad na siya palapit sa akin, may dala siyang ice bag. Mabilis siyang umupo sa tabi ko at inilagay ang ice bag sa noo ko.

"ako na" hinawakan ko ang ice bag at inaalis ang kamay niya sa noo ko.

"tsk ako na" kaunti niyang ginalaw ang ice bag "mag cellphone ka lang" dagdag pa niya.

Tumingin ako sa kanya at nang makita kong nakatingin din siya sa akin ay mabilis kong ibinaling sa iba ang tingin ko. Bigla akong pinawisan dahil sa kaba. Hindi niya inaalis ang ice bag sa noo ko. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa ice bag habang ang isa naman ay nakapatong sa sandalan ng sofa, naka pa V ito at dun nakapatong ang ulo niya.

"k-kaya ko na 'yan" kinuha ko ang ice bag at inalis ko ang kamay niya sa noo ko. Hinila niya ako papalapit sa kanya, napahiga ako sa hita niya.

"d'yan ka lang" he tapped my head, kinuha niya ang ice bag sa akin.

"wag kang makulit" mabilis akong tumayo at lumayo sa kanya.

"ikaw ang h'wag makulit" hinila niya ulit ako at napaupo naman ako sa hita niya. "dito ka lang" matamlay na sabi niya habang nakapatong ang ulo niya sa balikat ko.

Nights of December Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon