Chapter 24

679 31 8
                                    

TW: Abuse

Belle's POV

It really feels different to wake up in the morning without him. Yung tipong pagbangon ko palang sa kama rinig ko na agad yung tunog ng mantika dahil sa nagluluto siya ng almusal namin. But now, everything has changed. Wala nang tunog ng mantika, walang ingay mula sa labas, walang humahalik sa noo ko sa mismong paglabas ko ng kwarto, walang pagkain sa lamesa, wala nang magtatampo dahil sa naging palaka siya sa panaginip ko imbis na prince charming,.. wala siya, iniwan niya na ako.

"I miss him,..ano bang ginawa ko?" I laughed painfully. Tama si Aiden, aalis ang aalis, babalik ang babalik.

Nakakawalang gana, gusto ko kasabay ko siya. Pero wala e, wala na talaga, nasaktan ko siya pero mali siya, maling-mali siya.

Hindi na ako kumain at pumasok na ako sa opisina, ilang minuto na rin akong late dahil wala akong mahanap na taxi. Luckily, nakita ako ni Aiden kaya hinatid niya na ako papunta sa LP Building.

"bakit ba kasi hindi siya pwedeng alisin?" Pagpasok ko palang ng building ay rinig ko na ang hiyaw ni Donny. Ako ba yung tinutukoy niya?, ako ba yung gusto niyang maalis?.

"Son, please, try to understand me" Dad said. Nakita kong mabilis umakyat ng hagdan si Donny.

"Anak.." hinabol naman siya ni Tito Anthony. Nadamay pa sila, ako lang dapat e, ako lang dapat yung masaktan, matanggalan ng trabaho, maparusahan,..ako lang, ako nalang.

"Tito" tawag ko rito, lumingon ito sa akin at nginitian ako bago dumiretso sa pagtakbo.

"Daddy!, intindihin mo rin ako!" parang nawasak ang puso ko nang makita siyang lumuha.

"anak, please" he begged

"Dad, please, alisin mo na si Felix, please lang" pagmamakaawa niya rin.

"Son, alam mong hindi pwede. Malaki ang share ng family niya sa kumpanya, hindi ko siya pwedeng tanggalin lang dahil sa nagloko sila sa'yo"

"Hindi mo nanaman ako inintindi" he laughed painfully. Nasaktan nanaman siya.

"Anak.."

"Dad naman, ilang beses pa ba ha?, nirerespeto kita, pero...p*ta nakakasawa na" sigaw niya.

"Sorry anak pero hindi ko tatanggalin si Felix and that's final.., go back to work" naglakad na palayo si Tito.

Napaupo nalang siya sa sahig, nakasandal siya sa pader upang pansuporta sa katawan niya. Nakatingala siya at nakapikit ang mga mata. Patuloy pa rin ang pagluha ng mga mata niya, kitang-kita pa rin na sobrang nasaktan siya.

"ah!" sigaw ko nang mabangga ako ni Aleah.

"sorry, sis" bulong niya, sabay kaming napatingin kay Donny. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang kinakabisado ang bawat parte ng katawan ko.

"wala ba siyang katawan, sa'yo yung mi-ne memorize" pagbibiro ni Aleah.

Masamang tumingin si Donny sa akin at mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo niya. Tinalikuran niya rin ako gaya ng ginawa niya nung sinusubukan kong magmakaawa sa kanya. Nagbago na nga siya, ang bilis, sobrang bilis.

"Sir.." sigaw ni Aleah, tatakbo dapat ito ngunit hinila ko ang braso niya.

Gaya nga ng sinabi ni Aiden. Let him heal.
Sariwa pa ang lahat sa kanya, tsaka na ako magpapaliwanag.

Nights of December Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon